VP Robredo, Nangutang ng P8M Para Pambayad sa Counter Protest, Walang Makuha sa Supporters?

Nangutang ng P8 million si Vice President Leni Robredo sa mga kamag-anak ng kanyang yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo. Ito ay bilang cash deposit ng pangalawang pangulo sa kanyang counter-protest laban sa protesta ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa resulta ng nagdaang eleksyon.

“Bahagi ng pera ay galing sa personal na pondo ng bise presidente habang ang natitira ay inutang niya sa mga kamag-anak ng kanyang yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo. Ito’y sina Vicente Hao Chin, Pablito Chua at Rafael Bundoc.” Sabi ni Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ni VP Robredo, nitong Martes, May 2.

“Hindi gaya ng aming kalaban, wala pong ganoong kalaking pera si VP Leni ngunit handa siyang magkabaun-baon sa utang, mapigil lang ang tangkang nakawin ang puwesto na ipinagkatiwala sa kanya ng taumbayan.” Dagdag nito, at pinandigan na si VP Robredo at hindi ito kailanman nasangkot sa ano mang klase ng katiwalian.

“Hindi po naging madali sakin na maglikom ng P8 million na deposit kaya nga po ito yung dahilan kung bakit humihingi po tayo ng konting palugit sa Supreme Court (SC) na bigyan pa po tayo ng mas maraming oras,” Sabi naman ni VP Robredo sa mga reporters, matapos magbayad na nasabing halaga ng araw na iyon.

Must Read: * NagaLeaks: VP Leni Robredo’s Brother In Law, Jesse Robredo’s Brother, Biggest Drug Lord in Naga

Matatandaang iniutusan kamakailan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) si VP Robredo na magbayad ng P8 million bilang paunang bayad, at P7.44 million bilang ikalawang bayad, sa. July 14. Nauna nito, nag file ng motion for reconsideration tungkol dito, pero hndi ito pinayagan ng SC, na siya ding tumayong PET.

Sa kabilang banda, nauna nang nagbayad ng down payment sa PET si Bongbong Marcos ng paunang bayad ng P36 million. Inutusan din siyang magbayad ng P30 million bago o sa darating na July 14. Naging kontrobersyal ang labanan sa pagka bise presidente, lalo na at lamang ni Robredo kay Marcos ay 263,473 boto lamang.

Ayon kay Marcos, nanggaling sa kanyang mga supporters ang ibinayad niya sa PET. Tila kabaligtaran naman ang nangyayari ngayon sa mga supporters ni VP Robredo. Ayon sa mga kumakalat na social media posts, karamahin sa kanila ang naniniwala na sa mga paratang ng We Are Collective (WAC) tungkol sa NagaLeaks at LeniLeaks.

Comments

comments

No Responses