Vigilante Arestado Matapos Itumba ang Isang Drug Suspect, Patunay na Hindi Pulis ang Nasa Likod ng EJK

Isang tinaguriang vigilante ang naaresto sa Taguig City, ilang oras lang matapos nyang barilin at napatay ang isang drug suspect. Ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP (Philippine National Police), ang pagkakahuli sa suspect ay isang patunay na walang kinalaman ang mga pulis sa mga nagaganap na EJK (extra-judicial killings) sa bansa.

Ayon sa report ng Philstar nitong Sabado, March 4, kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Chief Superintendent Tomas Apolinario ang 31-anyos na vigilante na si Allan Moreno. Ang kanyang biktima naman ay kinilalang si Rolando Rico, 42-anyos, na natagpuan ang bangkay na tadtad ng tama ng bala ng baril ang buong katawan.

Bago iyon, nakatanggap daw ng tawag ang Taguig police galing sa isang concern citizen na may narining syang putok ng baril dakong 11:30 pm noong Miyerkoles, March 1 sa may Purok 7, PNR Site. Mabilis silang nagtungo sa lugar, kung saan dinatnan nang bangkay si Rico.

Must Read: * Duterte Should Not be Blamed for Drug-Related Extrajudicial Killings, UP Professor Explains Why

Sa tulong ng mga saksi, nagsagawa diumano agad ang Taguig police ng isang follow-up operation, at nadakip si Allan Moreno sa loob ng kanyang tahanan sa FTI Compound, sa nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, nagsaliksik sila sa loob ng bahay ng suspect at nakumpiska nila ang hindi nabanggit na halaga ng shabu at drug paraphernalia.

Napag-alaman din ang suspect at biktima ay sangkot sa bentahan ng illegal drugs, hindi lamang sa Taguig kundi sa mga kalapit na lugar sa Metro Manila, at pareho din silang nasa drugwatch list ng Taguig police. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at inaalam pa kung sangkot din si Morena sa mga pagpatay ng ilang drug suspects sa Taguig .

Samantala, sinabi ni Superintendent Apolinario na ang gantiong pangyayari ay isa lamang patunay na may mga vigilante groups na pumapatay ng mga taong may kinalaman sa droga. Sana daw ay mabalita din ito sa malalaking media outlets para malaman ng publiko na hindi sangkot ang mga pulis sa mga kasong “deaths under investigation” o EJK.

Comments

comments