Sen Trillanes to President Duterte, “Bakit Nanginginig Tuhod Mo Kung ‘Too Insignificant’ Ako?”

“Bakit nangininig ang tuhod mo?” – Ito ngayon ang tanong ni Senator Antonio Trillanes IV kay President Rodrigo Duterte, bilang tugon sa sinabi ng pangulo nitong Lunes, February 27 na ang senador ay hindi mahalagang tao para patulan ang mga bintang at patutsada laban sa kanya. Si Trillanes ay kilalang isa mga kritiko ng Duterte administration.

“Bakit nangangatog ung tuhod nya kung insignificant ako? Ano’t ano pa man, buksan nya na lang yung mga accounts nya. Para malaman na ng taumbayan na magnanakaw sya.” Ito ang laman ng text message ni Sen. Trillanes sa Inquirer, Lunes ng gabi. Ang tinutukoy ng senador ay ang diumanong P2.2 billion bank deposits mula 2006 hanggang 2015.

“He is too insignificant to bother yourself. Ba’t papatol ka? (I won’t bother to comment),” Sabi ni President Duterte sa isang ambush interview ng mga reporters sa Malacañang. Ito ang sagot nya sa tanong na kung si Trillanes ang susunod na target matapos na makasuhan at makulong si Senator Leila de Lima noong Biyernes, February 24.

Dapat Panoorin: * Sen Trillanes to President Duterte, “Ipapakulong Kita, Hahabulin Kita” (Video)

Nitong Linggo lang, sinabi naman ni Sen. Trillanes na gusto daw ni President Duterte na siya ay mamatay sa aksidente. Dagdag niya, mula nang maupo ang pangulo, siya daw sana ang unang target bago si Sen. De Lima. Diumano, sinabi daw ito sa kanya ni dating Davao City police na si SPO3 Arthur Lascañas sa telepono nang una silang nag-usap.

Ayon sa senador, hindi daw itinuloy ang balak na pagpatay sa kanya dahil siya ay itinuturing na malaking target, at ang kaya lang daw itumba ng kanilang grupo ay mga simpleng kriminal lamang. Noong nakaraang taon, tumestigo si Lascañas sa senado at nilinis ang pangalan ni Duterte. Pero kamakailan lang, binaligtad nya ang kanyang sinabi.

Dapat Basahin: * Sen Trillanes, Hindi Daw Takot Makulong Uli o Ipapatay sa Pakikipaglaban Niya Kay President Duterte

Dagdag ni Trillanes, iminungkahi na lang daw ni Lascañas na palabasin na namatay siya sa isang aksidente, gaya ng pagbangga ng kanyang sasakyan sa isang malaking truck. Noong Biyernes, sinabi ng senador na hindi sya kailanaman magpapatinag sa Duterte administration. Katunayan, ipapakulong daw nya si Duterte pagkatapos ng kanyang term sa 2022.

Comments

comments

No Responses