Sen Tito Sotto vs Aiza Seguerra sa DOH Condom Issue, “Baka Nakalimutan Na Nya Kung Saan Siya Galing”

Binalikan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III nitong Huwebes, January 19 si National Youth Commission chairperson Aiza Seguerra sa pagbanat sa kanya kamakailan. Ang kanilang palitan ng salita ang nagmula sa plano ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng condom sa mga high school students sa piling pampublikong eskwelahan.

Nitong Martes lang, binatikos ni Sen. Sotto si Health Secretary Paulyn Ubial sa kanyang tweet na kung sino man ang tutol sa paggamit ng condom ng mga ay magbigay ng ibang solusyon para mabawasan ang sexually transmitted infection (STI) kesa sa kumontra lang. Sabi ng senador, parang boomerang na bumalik sa kanya ang kanyang pahayag.

“Look who’s talking? It’s a boomerang to her. She should not only impose her beliefs on us who oppose but to the entire country. It’s insensitive to dismiss the sentiment of a conservative culture just because they failed to implement effective health programs,” Sabi ni Sen. Tito Sotto sa isang statement na pinadala nya sa mga reporters.

Nitong Miyerkules, nagpost si Aiza Sequrra sa kanyang Facebook page at pinuna ang pahayag ng kanyang naging tatay-tatayan sa Eat Bulaga noong siya ay bata pa. Ayon sa dating child star, responsibililad ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na pangalagaan ang mga tao, at mayroon na daw epidemic pagdating sa mga kabataang active sa sex.

“Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo na sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populasyon ang nagiging sanhi kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi nakaka access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno. Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator.” Sabi ni Aiza Seguerra, patungkol kay Sen. Sotto.

Dagdag ni Aiza, ito daw ay totoo base sa science and research. Aniya, dahil sa pagiging konserbatibo ng kultura ng mga Pilipino ay lalong tumataas ang bilang ng Pinoy na nagkaka HIV. At kaugnay nito, hindi daw naging maganda ang resulta ng matagal na pagpapaliban ng RH Law. Samantala, hindi umayon si Sen. Sotto sa kanyang sinabi.

Must Read: * Bishop Slams DOH Plans to Distribute Condoms in Public High Schools and Over-the-Counter Selling

“Baka nakalimutan na nya (Aiza) kung saan siya galing siguro. Mas nanaig sa kanya yun pagka bagitong politiko. Besides, for their information, the HIV virus is smaller than the pores of condoms which can only prevent pregnancy. Scientifically proven.” Pahayag ni Sen. Sotto, at sinabing mas papaniwalaan daw nya si Ubial kesa sa “fledgling politicians.”

Comments

comments

No Responses