Sen Manny Pacquiao, May Banat sa mga Bashers ni Miss Universe PH Maxine Medina sa Kanyang Maling English

Pinagtanggol ni Senator Manny Pacquiao sa Miss Philippines-Universe 2016 Maxine Medina sa mga bashers na pumupuna sa kanyang maling English. Ito ay matapos batikusan ng maraming netizens ang pagsagot ng English ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 sa kanyang Send-Off party nitong Martes, January 10. Panoorin ang video sa ibaba.

“Ang problema kasi, kapwa nating mga Pilipino ang mismong masakit manlait, imbes na tumulong. Dinaanan ko din yan. Tuwing may interview ako sa Amerika pag may laban ako, wala kahit isang Amerikano na pumipintas sa English ko. Kaya nalulungkot ako pag sarili nating kababayan ang nang-iinsulto.” Sabi ni Sen. Pacquiao sa isang ambush interview.

“Alam ko na kahit pano ay dapat marunong mag-English ang kandidata natin sa Miss Universe. Pero sa tingin ko, malaki na ang improvement nya (Maxine Medina) gaya ng sinabi ng kanyang trainer. Kinakabahan lang siguro siya.” Dagdag ng Pambansang Kamao, na naging judge din sa Miss Universe noong January 2015, na ginanap sa Miami, Florida.

Ang tinutukoy ni Sen. Pacquiao ay si language trainer ni Maxine Medina na si Mark Arthur Payumo Abalos, na naglabas ng kanyang hinaing sa kanyang official Facebook page nitong Huwebes, January 12. Ayon kay Abalos, dumaan si Maxine sa pitong buwan na training para ma-improve ang kanyang English communication skills at personal growth.

“Please stop comparing her communication skills to previous representatives and candidates. We are second language speakers of English. Errors are normal. Even first language speakers of English commit mistakes, too. At the end of the day, it’s just a beauty contest. Maxine will still be beautiful.” Sabi ni Abalos sa kanyang Facebook post.

Matatandaang binatikos din si Maxine Medina noong nanalo siya sa Bb. Pilipinas 2016 noong nakaraang April 17. Sa Q&A (Question and Answer) portion ng nasabing event, tinanong siya ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes sa kanyang gustong sabihin sa isang 15-anyos na batang babae na ayaw na magpatuloy sa kanyang pag-aaral.

Comments

comments