Sen Leila de Lima sa Kanyang Unang Linggo ng Pagkakakulong, “Alam ng Diyos Ang Totoo, Inosente Ako”

Naglabas ng kanyang pahayag si Senator Leila de Lima ngayong Huwebes, March 2, isang linggo nang makalipas mula nang siya ay makulong sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame. Inaaresto ang senadora noong Biyernes, February 24 sa bisa na arrest warrant na inilabas ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero.

“Makalipas ang pitong araw ng pagpapakulong sa akin na naaayon sa kumpas ng Pangulo at ng kanyang mga masugid na alagad gaya ni Sec. Aguirre, nabigyan ako ng pagkakataong higit na makapagnilay—pagninilay na nagbunga ng mga tanong, gayundin ng higit na determinasyong gampanan ang tungkulin sa bayan.” Sabi ni Sen. De Lima.

Alam ko, at alam ng Panginoon ang totoo: Inosente ako. Ginagawa ko lang ang aking trabaho. Kahit malinaw na imbento lamang ang paratang sa akin, bakit nagagawa pa rin nilang basta baluktutin ang hustisya at ikubli ang totoo?” Dagdag ng senadora, na inaresto isang linggo matapos siyang kasuhan ng DOJ (Department of Justice), kasama ang iba pa.

Must Read: * Julieta de Lima, CPP Founder Joma Sison’s Wife, to Help Kin Sen de Lima be Released From Jail?

Ayon kay Sen. De Lima, wala siyang nakikitang dahilan ng kanyang pagkakakulong maliban sa ito ay ganti lamang sa kanya ni President Rodrigo Duterte, na inimbestigahan niya noong ito ay mayor pa nga Davao City, at siya naman ang DOJ secretary. Noong panahon na iyon, talamak umano ang EJK (extra-judicial killings) sa nasabing lungsod.

Sabi ng Liberal Party (LP) senator, matagal na niyang inihanda ang sarili sa kung ano man ang kanyang kahihinatnan sa pakikipaglaban nya sa mga lumalabag sa karapatang pantao. At ngayon na nakakulong na siya gaya diumano ng matagal nang plano ni President Duterte, lalo daw na lumakas ang kanyang loob, at hindi daw siya mananahimik.

Must Read: * US Senator Edward Markey Slams President Duterte Over Sen Leila de Lima’s Arrest, War on Drugs

Credit: Leila de Lima Facebook

“Karangalan kong makulong sa ngalan ng aking prinsipyo—alang-alang sa hustisya at katotohanan. Patuloy man nila akong gipitin, patuloy man silang maghasik ng mga kasinungalingan, hindi ko hahayaang muling maulila ang bansa ng demokrasyang minsan nang kinitil ng mapaniil na diktadurya.” Sabi ni Sen. De Lima sa huling parte ng kanyang pahayag.

Comments

comments

No Responses