President Duterte, Nangunguna sa Time 100 Most Influential People Poll, Netizens Pwede Bumoto

Nangunguna ngayon si President Rodrigo Duterte sa botohon para sa listahan ng Time 100 Most Influential People in the World sa taong 2017, kung saan ang mga netizens ay maaaring bumoto. Ang botohan ay nagsimula noon Biyernes, March 24, at simula noon, nasa Top 1 na ang pangulo ng Pilipinas. Alamin sa ibaba kung paano kayo makakaboto.

Sa ngayon, mayrooon nang 4% na boto si President Duterte, na sinundan ni Pope Francis na may 3%. Ito at sa kabila ng mga isyung binabato sa kanya tulad ng diumanong EJKs (extra-judicial killings) na may kinalaman sa kanyang maigting na laban kontra droga. Sinampahan din nga impeachment complaint kamakailan ni Magdalo Rep Gary Alejano.

Samantala, pareho pareho namang 2 percent ang nakuha nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Beyonce, German Chancellor Angela Merkel, Bill Gates, US Senator Bernie Sanders, American gymnast Simone Biles, tennis player Serena Willams, at mga chairperson ng Women’s March (Linda Sarsour, Tamika Mallory, Carmen Perez, at Bob Inland).

Ang ilan pang mga world leaders na pwede ring iboto ay sina Chinese President Xi Jinping, US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, British Prime Minister Theresa May, Mexican President Enrique Peña Nieto, Syrian President Bashar Assad, Indian Prime Minister Narendra Modi, at Iran Supreme Leader Ayatullah Ali Khamenei.

Para makaboto, pumunta kayo sa page kung saan matatagpuan ang larawan ng inyong gustong iboto. Bukod sa Yes para iangat ang gusto ninyong iboto, pwede rin kayong bumoto ng NO para sa iba, para ibaba ang kanilang ranking at lalong tumaasa ang ranking ng inyong ibinoto. Sa ngayon, si President Duterte ay may 94% Yes, at 6% No.

Ayon sa Time Magazine, ang mga netizens sa buong mundo ay maaaring bumoto hanggang April 16, 2017 11:59 p.m. E.T . Ang mananalo sa nasabing readers’s poll ay ilalabas agad, habang sa April 20 naman ilalabas ang official TIME 100 list, na pipiliin ng mga editors ng Time. Kung gusto ninyong bumoto, pumunta lang sa 2017 Time 100 Poll.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *