President Duterte, May Interview sa 4 na Malalaking News Outlets Ngayong December 29

Apat na malalaking news outlets sa Pilipinas ang magkakaroon ng pagkakataon na ma-interview si President Rodrigo Duterte sa Thursday, December 29. Ito ay sa kabila ng hindi magandang tingin ng maraming Pinoy sa mainstream media, na diumano ay bias magbalita lalo na sa mga controversial statements na binibitawan ng ating pangulo.

Ayon sa Politiko, si President Duterte ay nakatakdang ma-interview ni Pinky Webb ng CNN Philippines sa tanghali, na susundan naman ng interview sa kanya ng beteranang journalist at chief of reporters ng ABS-CBN na si Lynda Jumilla. Nakatakdang mag-interview din sa pangulo sina Maria Ressa ng Rappler at Jessica Soho ng GMA Network.

Mayroon ding interview kay President Duterte sa TV5, pero hindi nabanggit kung sino ang magtatanong sa kanya. Walang binigay na oras para sa bawat one-on-one interview sa pangulo, pero lahat daw ito live na ipapalabas sa kanya-kanyang TV networks. At dahil lahat ng ito ay magaganap sa loob lamang ng isang araw, tiyak na aabang ang publiko.

Noong June, matapos ang election, sinabi ni President Duterte na may mga journalists na corrupt at nababayaran para pabanguhin o siraan ang isang politiko. Nakarating ito sa international media watchdog group na Reporters Without Borders (RSF), na sinabihan ang local media na iboycott o huwag ipalabas sa TV ang kanyang mga press conference.

Sagot ni President Duterte, siya mismo ang mauunang magbo-boycott sa Philippine media. Kasunod nito, sinabi din nya na ang lahat ng kanyang press conference ay ipapalabas lamang sa People’s Television Network (PTV-4), ang official TV station ng Philippine government. Sa huli, pinapalabas na rin ang mga ito sa lahat ng TV stations.

Sa ngayon, medyo mas maayos na ang relasyon ng local media at ni President Duterte. Katunayan, sinabi nya kamakailan sa kanyang speech na pinapayagan nya ang media na batikusin siya kung may nagagawa man siyang mga pagkakamali. May mga pagkakataon ding pumapayag sa mga maiikling ambush interview pagkatapos ng isang event.

Comments

comments