Panoorin: UV Express Driver, Hahampasin ng Tubo ang Matandang Taxi Driver na Sumingit sa Kanya (Video)

Isang driver ng UV Express ang huli sa video na may hawak na tubo at planong ihampas ito sa isang matandang taxi driver na sumingit sa kanya. Hindi nabanggit kung saang lugar ito nakunan ng camera, pero halatang galit na galit ang van driver sa taxi driver, na hindi bumaba dahil alam niyang wala siyang kalaban-laban. Panoorin ang video sa ibaba.

Ayon kay Beng Gallego Rile na nag-upload ng video sa kanyang Facebook page nitong Martes, March 28, hindi niya alam kung sino ang talaga ang may kasalanan. Pero dagdag nya, makikita sa posisyon ng mga sasakyan na tila ang matandang taxi driver ang may mali dahil sa siningitan nya ang UV Express Service na may plate number TOJ236.

Makikita sa nasabing video na tila pinabababa ng UV Express driver ang matandang taxi driver sa kanyang Winelean taxi, na may plate number UVG 751 at body number 398. Dinuro-duro ng van driver ang taxi driver ng kanyang hawak na tubo, at ilang beses itong iniamba sa kanya. Sa isang punto, sinipa pa nya ang likurang bahagi ng nasabing taxi.

Hindi marinig ng mabuti ang pinag-uusapan ng dalawang driver, pero sabi ng netizen, gusto sana bumaba ng matandang driver para makipag-usap ng maayos sa van driver. Pero di na nya ito ginawa dahil ayaw bitawan ng van driver ang hawak niyang tubo. Gusto din daw sana nila bumaba para sawayin ang van driver, pero baka sa kanila naman magalit.

Sa huli, di talaga bumaba ang taxi driver at makikitang bumalik sa kanyang sasakyan UV Express driver at umalis. Samantala, umani ang video ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens na nakapanood sa video. Ayon sa karamihan, mali naman talaga ang taxi driver dahil sa plano nitong pagsingit sa linya, kaya natural lang na magalit ang van driver.

Must Watch: * Man Driving Mercedes Benz Shoots Male Nurse in Road Rage in Cebu (Video)

Credit: Beng Gallego Rile Facebook

Ganoon pa man, hindi naman daw tama na kailangan pang maglabas ng tubo ang van driver at ipanakot ito sa matandang driver. Kapapansin din na nakuha pang tumawa ng lalaki sa loob ng sasakyan kung saan may kumukuha ng video. Kami dito sa Taho News ay nakikiusap sa lahat ng motorista na maging mahinahon, at sumunod sa batas trapiko.

Comments

comments

No Responses