Panoorin: Tricycle, Nag-Counterflow sa NLEX, Muntik Mabangga ng Mga Kasalubong Nyang Kotse (Video)

Isang tricycle ang huli sa dashboard camera na bumabagtas sa North Luzon Expressway (NLEX). At hindi lang yun, nag-counterflow pa ito at muntik nang makabangga ang mga sasakyan na nakasalubong nya. Ang nasabing nakakalaramang eksena ay naganap nito lang Sabado, January 17, dakong 11:33 ng gabi. Panoorin ang video, at wag gagayahin.

“Just when you thought you had seen it all… Here’s the best part. If you hit this idiot and kill or seriously injure him/her, guess what will happen?” Sabi sa caption ng 30-second video na naka-ipload sa official Facebook page ng multi-media motoring journalist at TV host na si James Deakin nitong Linggo, na merong nang mahigit 38K views sa ngayon.

(Kung akala nyo nakita nyo na lahat…Ang mabigat dito, kapag nabangga mo at nasaktan o napatay mo ang gagong ito, mahulan mo kaya kung ano mangyayari?)

Dapat Panoorin: * Motorcycle Rider Nag Counterflow sa School Zone, Nabundol ang 2 Batang Estudyante (Video)

Sa simula ng nasabing video, makikita ang sasakyan na may dashcam na maayos na bumabagtas sa NLEX sa may Balintawak Exit. Maya maya, ang kotse sa kanyang unahan ay bumusina ng malakas, dahil sa biglang pagsulpot ng tricycle sa bandang kaliwa nya. Mabilis ang takbo ng tricycle at ga-hibla na lang at muntik na nyang mabangga ang kotse

Dahil dito, nagulat din ang driver ng may dashcam at muntilk na din silang mabangga nung nasabing tricycle. Maririnig na sinabi ng driver na “tiga na ang preno” nila, at kumbaga sagad na. Hindi na nalaman kung sino ang driver ng tricycle, at kung bakit siya nasa NLEX na kung saan siya bawal, at kung bakit nya naisipang mag-counterflow.

Dapat Panoorin: * Driver na Nag Counterflow at Nagbalak Pang Tumakas, Huli Agad ng Nakasabay na HPG (Video)

Ayon sa ilang nag-comment sa nasabing video, maaaring may emergency kaya sa NLEX dumaan yung tricycle at mabilis na nag-counterflow. Kung totoo ito, sana naisip din nung driver na posibleng mas lumaki pa ang problema nya, at malamang na makadisgrasya siya ng kapwa nya motorista. Hindi ito malayo, lalo na at wala man lang siyang headlight.

Comments

comments

No Responses