Panoorin: Traffic Enforcer vs Driver sa Bacolod, Nagsuntukan Matapos Maging Pasaway ang Driver (Video)

Isang traffic enforcer sa Bacolod City ang nakipagsuntukan sa isang pasaway na driver sa gitna ng kalye. Ito ay matapos magalit ang enforcer sa driver dahil hindi ito sumunod sa batas trapiko. Hindi nabanggit kung kelan naganap ang insidente, pero kita sa video na lamang ang enforcer. Warning: Ang video sa ibaba ay may mga maseselan na eksena.

“Indi gd ka hulat ang driver sng puti, dumerecho sa intersection bskan wla gn tagaan permiso sng enforcer.. Sinumbag sng enforcer ang pwertahan. Gn panaugan sng driver kag gn sulong tapungol.. ang na kwaan ko na video ang enflrcer ga bato..” Sabi sa caption sa video na in-upload sa Dash Cam Diaries – Bacolod Facebook page, Martes, February 14.

Sa Tagalog translation, hindi umano nakapag-inntay ang driver ng puting kotse at dumeretso na ito sa intersection kahit di pa pinapayagan ng traffic enforcer. Nagalit daw ang enforcer at sinuntok ang pinto ng nasabing kotse. Bumaba ang driver at kita sa video na sinugod nya ang traffic enforcer at sinuntok ito, hanggang sa nasuntuikan na sila.

Dapat Panoorin: * Pasay Traffic Enforcer, Pinababayaran ang Seminar sa Driver Kahit Walang Violation (Video)

Sa aming obserbasyon, tila sanay sa boxing ang traffic enforcer at nakalamang siya ng suntok kahit mukhang mas malaki ang katawan ng driver. Makikita din na unti-unting umaatras ang driver habang sinusugod sya ng suntok ng enforcer. Patakbong dumating ang isang lalaki at parang inaawat ang dalawa, hanggang sa nahinto na ang boxing.

Sa ngayon, walang impormasyon kung ano pangalan ng traffic enforcer at beast mode na driver. Hindi rin alam kung ano pa sumunod na pangyayari. Ganunpaman, humanga ang maraming netizens sa enforcer dahil hindi ito nagpatakot sa driver. Galit naman ang iba sa driver dahil sa siya na nga ang pasaway, siya pa ang may ganang magalit at manuntok.

Dapat Panoorin: * German National, Nag Beast Mode sa Parking Kahit Siya ang Mali, Buti Judge ang Saksi (Video)

Must Watch: * Mandaue Police Involved in Road Rage With Truck Driver Identified, Relieved From Post (Video)

Samantala, kami naman dito sa Taho News ay muling nagpapa-alala sa lahat ng driver na sumunod sa batas trapiko at maging mahinahon. Sa mga traffic enforcers naman, sana din ay maging mahinahon din kayo sa pagpapatupad sa batas trapiko. Mabuti na lang at suntukan lang ang nangyari, dahil minsan may mga driver na dalang armas o baril.

Comments

comments

No Responses