Panoorin: Tindera Napagkamalang Kabit, Ginulpi ng Tunay na Asawa at 3 Anak (Video)

Isang tindera ang napagkamalang kabit, at ginulpi ng tunay na asawa at mga anak. Ang insidente ay naganap sa Sta. Cruz, Manila noong March 21, pasado hatinggabi, at kita sa CCTV ang buong pangyayari. Huli na nang malaman na ang nasabing babae ay hindi pala ang kabit na hinahanap nila. Warning: Medyo maselan ang laman ng video sa ibaba.

Sa nasabing CCTV video, makikita ang dalawang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada na may mga paninda, at may pedicab na nakatabi. Maya maya, biglang dumating ang isang lalaki at tatlong babae, na isa sa kanila ang kanila palang ina nila. Makikitang sinipa ng isa sa mga anak ang paninda, at pinagsasampal naman ang babaeng naka-blue.

Ang napagbintangang kabit ay kinilalang si alyas Gina, na makikitang pinagtulungang gulpihin ng magkakapatid. Ang babae naman na kasama at kaibigan ni Lisa ang pinuntriya naman ng ina. Makikita ding may mga taong dumadaraan at pilit na inaawat ang panggugulpi sa babae. Halatang wala siyang kalaban-laban sa galit na galit na mag-iina.

Sa isang parte ng video, makikitang medyo nakawala si Gina sa mga gumulpi sa kanya. Pero dahil sa kakaiwas nya, napunta siya sa may gitna ng kalye kaya muntik na siya masagasaan ng isang dumaaang L300 van. Natigil lamang ang gulo ng may rumesponde nang mga barangay tanod, at dinala sila sa presinto para maimbestigahan ang pangyayari.

Ayon sa GMA News, dito na nalaman ng mag-iina na ang babaeng kanilang binubugbog ay hindi pala ang kabit na hinahanap nila. Dahil sa pangyayari, namaga umamo ang dalawang mata nung Gina at hindi ito halos makalakad. Sa huli, hindi na ito nagsampa ng reklamo laban sa mga gumulpi sa kanya, at nagpa-areglo na lamang sa halagang P15,000.

Ayon sa isang tanod na nagngangalang Macario Molinis, pumunta sa presinto ang tunay na kabit sa para patunayan na siya ang dapat nilusob ng mag-iina at hindi si Gina. Napag-alaman na doon din sa mismong pwesto ng mga paninda ni Gina madalas makitang tumatambay ang totoong kabit, kaya napagkalaman tuloy ang kawawang tindera.

Comments

comments