Panoorin: Tindahan sa Pasig City, Muntik Nang Mabiktima ng Palit Pera Modus Operandi (Video)

Isang tindahan sa Pasig City ang muntik nang maging biktima ng palit-pera modus nito lang Huwebes, April 6. Mabuti na lang at alerto ang cashier, na hindi nagpaloko sa mandarayang customer. Ang pangyayari ay kitang kita sa CCTV ng nasabing tindahan. Panooring mabuti kung gaano kabilis ang kamay ng suspect sa video sa ibaba.

Bagamat walang audio ang video na pinadala sa YouScoop Facebook page ng GMA Network ngayong Biyernes ni Val San Diego, makikita ang isang bakla na may inabot na P1,000 sa cashier. Ayon sa netizen, bibili daw sana ng pabango ang nasabing customer. Pero nang malaman nya na “Class A” ang pabango, nagbago daw ang isip nito.

Ibinalik ng cashier ang P1,000 sa customer, na nilagay ang pera sa bag gamit ang kaliwang kamay. Sa video, makikita na mablis ang kanang kamay na may P100, at sinabi sa cashier na yun daw ang sinoli sa kanya. Pero dahil alam na daw ng cashier ang mga ganitong modus operandi, walang nagawa ang suspect kundi umalis na lang.

Dapat Panoorin: * Panoorin: Babae sa Red Ribbon, Pinalitan ng P100 ang P1,000, Buti Di Nagpaloko Yung Cashier (Video)

Ayon kay San Diego, kahawig daw ng suspect ang nambiktima sa isang spa sa Las PiƱas noong February 19 lang. Sa nasabing insidente, nakita sa CCTV na nagbilang pa pera bago nag-abot ng P3,000 sa receptionist, na nag-abot sa kanya ng P900 bilang sukli. Maya-maya, nagbago isip ng suspect at binalik ang sukli at hiningi ang P3,000 na binigay niya.

Pero gaya ng muntik nang makabiktima sa tindahan sa Pasig City, mabilis ang kamay ng customer. Ginamit niya ang kaliwang kamay sa pagbulsa ng P3,000, at ang kanang kamay naman ay may hawak na P300. Pinakita nya ito sa receptionist, na napaniwala siya ang nagkamali. Inabutan niya uli ng P3,000 ang suspect at tinanggap niya ang P300.

Dapat Panoorin: * Babae, Inipit ang P100 Sukli sa Kilikili, Pasimpleng Sinoli Nang Makita Niya CCTV (Video)

Para maiwasan na maging biktima ng ganitong palit-pera modus, pinapayuhan namin ang mga cashier at tindera na mag-ingat. Hanggat maaari, ipakita sa customer ang sukli at isa-isang ilagay ito sa kanyang palad habang binibilang ito ng malakas. Maging matalas din ang mata sa mga galaw ng customer, at huwag magpapasindak.

Comments

comments

No Responses