Panoorin: Taxi Driver na Nagsoli ng iPhone, Sinisi ng May-Ari Dahil Hindi Daw Naisoli Agad (Video)

Isang taxi driver na nagmagandang loob ang nagsoli ng cellphone na naiwan ng may-ari sa kanyang taxi. Nagpasalamat naman ang may-ari sa kanya, kaso sa huli sinisi nya pa ang taxi driver dahil natagalan umamo na isoli ito sa kanya. Panoorin ang video ng pagkikita ng taxi driver at may-ari ng cellphone sa programang Raffy Tulfo in Action.

Sa nasabing video, ipinakilala ang taxi driver na si Roberto Elliot na nagsosoli ng iPhone SE sa may-ari nito na si Luigi Lim, isang lalaking nurse. Habang magkatabi ang dalawa, iniabot ang nasabing smartphone sa may-ari. Hiningan ang nurse ni Raffy Tulfo ng masasabi nya matapos mapasakamay niya uli ang kanyang mamahaling cellphone.

“Salamat po kay Mr. Roberto, kaya lang sana lang pinaaga-aga. Kasi ako ay maraming contact sa cellphone na ito. Ang ibig sabihin nito, marami nang naapektuhan sa amin sa nangyari, ok? Kasi itong phone na ito ay galing Singapore, ito po ay naka plan. Lahat ng transactions ko nandito (sa phone ko).” Sabi ni Luigi Lim sa nasabing live radio show.

“Yung pera ko po, di ko ma-transfer transfer. Paalis nako bukas, walang nangyari sa bakasyon ko.” Dagdag ng may-ari ng iPhone SE, at sinabing nawala ang kanyang cellphone noong pang Biyernes ng gabi, March 24. At dahil naka connect daw ito sa kanyang iPad, nakita nya daw na dalawang beses binuksan ang kanyang cellphone.

Ayon sa kasama ni Raffy Tulfo sa kanyang programa, nakita ng taxi driver ang nasabing cellphone noong Sabado ng umaga pero Martes na nang ito ay naibalik sa may-ari. Sabi ng taxi driver, nagpunta siya sa programa ni Tulfo noong Sabado pero sarado ito. Di naman daw makapunta nung Lunes kasi naka coding naman ang kanyang taxi.

Suma total, di lubos ang kasiyahan ni Luigi Lim na naisoli sa kanya ang kanyang iPhone. Iginiit pa niya na madali lang naman daw gamitin ang kanyang cellphone. Sa puntong ito, di na nakatiis si Raffy Tulfo at sinermonan si Me. Lim. Sabi nya, ito daw ang unang pagkakataon na imbes na magpasalamat ang may-ari ng nawawalang cellphone, sinisi nya pa ang nakapulot dito.

Comments

comments