Panoorin: Snatcher, Isinoli Ang Bag Sa May-Ari Nang Malamang Wala Itong Laman, Arestado (Video)

Isang snatcher ang nagsoli ng bag sa may-ari nito matapos nyang malaman na wala itong laman. Di kalaunan, nahuli ang suspect at nagpaliwanag kung bakit nya hinablot ang bag at kung bakit nya naisipang isoli agad. Naganap ang insidente sa Cambridge St, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Panoorin ang buong pangyayari sa CCTV video na nasa ibaba.

Ayon sa CCTV footage, naganap ang pag-agaw sa bag noong January 13, sa loob ng isang pampasaherong jeep. Hindi kita sa video ang aktwal na ginawa ng snatcher, na kinilalang si Froilan Capinig. Nang huminto na ang sasakyan para kumuha ng pasahero, makikita na may dinukwang ang suspect at biglang bumaba na may bitbit na bag.

Pero imbes na tumakbo, binuksan ni Capinig ang bag at tiningnan ang laman nito. Maya-maya pa, bumaba din ang biktima na isa palang kolektor ng isang kumpanya, at balak nya hahulin ang snatcher. Sa hindi inaasahang pangyayari, sinalubong siya nito at isinoli sa kanya ang kanyang bag. Tumakbo papalayo ang suspect, pero hinabol siya ng kanyang nabiktima.

Sa kabilang CCTV sa nasabing lugar, makikita ang biktima na humingi ng tulong sa mga tao at barangay tanod. Hinabol nila si Capinig, at naabutan ito at naaresto. Kita din sa video na sununtok pa siya ng isang galit na residente. Sa kulungan, pinaliwanag ng suspect sa GMA News kung bakit nya naisipang mang-agaw ng bag at isoli agad.

“Akala ko may baril, nung walang laman, binalik ko rin.” Sabi ni Capinig kay GMA News reporter Cesar Apolinario. Aniya, galing siya ng probinsiya at lumawas ng Manila para maghanap ng trabaho, pero may nangursunada daw sa kaniya. Naisip daw nya na posibleng kasabwat ang biktima kaya niya inagaw ang bag nito sa loob ng jeep.

Ito rin ang paliwanag ni Capinig kay Marciano Buena-Agua, Bgy. Chairman ng Brgy. E. Rodriguez. Puro resibo lang daw ang laman ng bag kaya nya ito isinoli, at isosoli nya pa rin daw ito kahit may lamang pera, dahil gusto nya lang daw malaman kung may baril sa loob ng bag. Ganunpaman, nahaharap pa rin sya kasong robbery kahit isinoli nya ang bag.

Comments

comments