Panoorin: Senator Trillanes at Zubiri, Nagkainitan at Muntik Magsuntukan sa Senado (Video)

Nagkainitan ang dalawang senador na sina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Juan Miguel Zubiri sa senado Martes, January 17. Mabuti na lang at pumagitna ang kanilang mga kapwa senador, kasama sina Senators Cynthia Villar at Manny Pacquiao, at Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III. Panoorin ang video sa ibaba at kayo ang humusga.

Nagsimula ang alitan ng dalawang senador nang pagbintangan ni Sen. Trillanes sina Sen. Zubiri at Sen. Richard ‘Dick’ Gordon ng pagtakip (whitewash) sa bribery scandal na kinasasangkutan ng mga taga Bureau of Immigration (BI). Nitong Lunes lang, sa botong 14-7, naalis si Trillanes bilang head ng Senate committee on civil service and government.

“Mr President, I take offense that one of our colleagues claims whitewashing. Never in my 9 years as House member, and 4 years as a member of this august chamber have I been accused of stalling or stopping investigation.”: Sabi ni Sen. Zubiri sa kanyang privilege speech. Bilang sagot, inamin ni Sen. Trillanes na sinadya niyang ma-offend si Zubiri.

Dapat Basahin: Senator Trillanes, Gustong Ipaimbestigahan sa Senado ang mga Fake News Websites at Social Media Trolls

“If there’s an action, there is a counter reaction. That’s what happened when they blocked the referral to my committee. Therefore you should expect me to react on the matter. He took offense of the fact; it was meant to be offensive,” Sagot ni Sen. Trillanes, na binalikan pa ang paratang na nandaya si Zuburi noong 2011 elections kaya’t ito’y nag-resign.

“Mabait akong tao and people know me. I’m one of the amiable senators of this chamber but if you pick a fight, I didn’t become world champion sa arnis for nothing. Come out here; don’t say it in the media,” Sagot sa kanya ni Sen. Zubiri. Napilitan tuloy silang paalalahanan ni Senate President Koko Pimentel na huwag magsalita ng hindi maganda.

Must Watch: * Sen Migz Zubiri Shows Arnis Skills, Explains How He Became Arnis World Champion (Videos)

At dahil mas lalong umiinit ang sagutan ni Zubiri at Trillanes, nagpasya si Sen. Pimentel na suspindihin ang session. Ganunpaman, hindi pa rin tumigil ang dalawang senador sa pagpapalitan ng salita ng malapitan. Dahil dito, nilapitan na sila ng ilang kapwa senador at dinala sa Senate lounge para magpalamig ng ulo. Saglit pa, bumaba na ang tension.

Comments

comments

No Responses