Panoorin: Sen Risa Hontiveros, Supalpal sa Tanong ng OFW sa Sydney, Australia (Video)

Isang OFW sa Sydney, Australia ang matapang na bumatikos kay Senator Risa Hontiveros sa isang Q&A sa Philippine Consulate Sydney noong Miyerkoles, March 22, 2017. Tinanong ang senadora kung paano matitiyak ng mga Pilipino na nasa ibang bansa sa mga dayuhan na maayos at ligtas sa Pilipinas. Panoorin ang video sa ibaba.

“The best way that we can assure our fellow citizens of the world, especially, kayo po, you are Filipinos living abroad and they have more direct access to you for example here in Australia than to us who live in the Philippines. You can reassure them either that things are well or that we are constantly trying to improve the situation.” Sagot ni Sen. Hontiveros.

Suma total, sinabi ni Sen. Hontiveros na ang mga Pilipino saan mang sulok ng mundo ay dapat laging nagtutulungan sa pagharap sa mga pagsubok ng bansa. At kung mayroon mang mga debate, dapat ay ginagalang ang mga opinyon at mungkahi ng bawat isa. Ito daw ang pinakamabisang paraan para ipaalam sa mga dayuhan na maayos ang Pilipinas.

Must Read: * Sen Risa Hontiveros Slams President Duterte for Saying ‘Drug Addicts are Worst Than Slaves’

Sa puntong ito, nagpakilala si Lotti Dilag at humiling na mag follow-up question sa sagot ni Sen. Hontiveros. Ayon sa OFW, pinapakita na ng mga Pilipino sa international community na sila ay magaling at masipag, at mayroon na rin daw bayanihan at volunteerism, at ginagawa ang lahat para lang mapabuti ang image ng Pilipinas sa mata ng mundo.

“From your party (Akbayan) and the Liberal Party, but not long ago, very recently in fact, you were demanding that the President allow the UN to come into the Philippines and investigate…suggesting that there are crimes going on done by the government, against its own people.” Sabi ni Lotti kay Sen. Hontiveros, na isa sa mga kilalang kritiko ni President Duterte.

Must Read: * Sen Risa Hontiveros Slams President Duterte on ‘Criminals Have No Humanity’ Statement vs HRW Report

“Parang hindi fair na kami nagpapakahirap na baguhin ang imahe ng mga Pilipino at ng Pilipinas sa international community and yet paulit-ulit na naririnig naming sa inyong mga politicians na dina-down niyo ang sarili niyong bansa. Naapektuhan kami, naapektuhan ang mga OFWs. So, paano naming mababago ang imahe, kung paulit ulit na sinisira ng kapwa naming Pilipino?” Tanong ng OFW.

Comments

comments