Panoorin: Sec Martin Andanar vs Inquirer Reporter Marlon Ramos, Nagkasagutan, Reporter Supalpal (Video)

Nagkainitan sina Communications Secretary Martin Andanar at Philippine Daily Inquirer (PDI) reporter Marlon Ramos sa isang press briefing sa Malacanang, Martes, February 21. Nangyari ito nang magbigay si Sec. Andanar ng pahayag sa dimanong planong destabilisasyon laban kay President Rodrigo Duterte. Panoorin ang video sa ibaba.

“You keep on harping on na there’s a plot to unseat the very popular President Duterte, when in fact Secretary Jun Esperon and SND, Secretary Lorenzana, already shut down those allegations. Ano po ‘yung basis when the two of the highest security officials of the government are saying na hindi totoo, walang ganyan?” Tanong ni Ramos kay Sec. Andanar.

“Alam mo kasi, Marlon, mayroong mga reports na hindi pa nakakarating sa lahat. Merong mga intelligence reports na–you know classified, they are classified reports. Meron ding mga hindi kina-classify na report,” Sagot ni Sec. Andanar na PDI reporter. Halatang nainis siya sa tanong nito, pero pinilit pa ring kalmahin ang sarili, at patuloy na nagpaliwanag.

“Huwag mo kaming pagsabungin, Marlon. Huwag mong sabihin…because once again you will write something and you will say na ito sabi ni Andanar. Walang ganoon. Basta kami sa Cabinet, meron kaming information na natatanggap na sinasabi din namin because we’re open, we’re very transparent,” Dagdag pa niya, na medyo nakasimangot na.

Depensa ni Marlon Ramos, gusto lang naman daw niya humingi ng klaripikasyon mula sa kanya at hindi naman daw nya sila pinagsasabong. “Eh iyon ang lumalabas, Marlon, eh. Walang ganyanan,” Sabi ni Andanar sa kanya, at nagpalitan na sila ng paliwanag ng nasabing Inquirer reporter sa harap ng iba pang reporters, at naipalabas live sa TV.

“Alam ko rin iyon. Let me ask you. Are you fair to everything you write?” Tanong ni Sec. Andanar kay Ramos, na sumagot ng “Yes.” “How about your posts on social media?” Sunod na tanong ng Communications secretary sa kanya. “That’s my personal” Sagot ni Ramos. “Exactly. Pero as a reporter, you’re an ambassador of your newspaper,” Pahabol ni Andanar.

Comments

comments