Panoorin: Rainbow Express Bus Driver Nag Counterflow, Nag Beast Mode at Balak Pang Manakit (Video)

Isang Rainbow Express bus driver ang nag-counterflow, siya pa ang beast mode at balak pang saktan ang nakasalubong nya. Ang insidente ay naganap Lunes, January 30, at nakuhan ng isang driver sa kanyang dashboard camera, na nakasalubong nya. Warning: Ang video sa ibaba ay may halong pagmumura. Bawal panoorin ng mga bata.

“Bago ko na video yan, super bilis nang pasok nya sa lane ko ang sakin lang safety nang pa salubong sa kanya, and isipin nyo nalang kung friends nyo or family nyo ung tumatawid.” Sabi ni Kirstoff Guinto sa caption ng kanyang video, kung saan kitang kita na lagpas sa puting guhit ang isang Rainbow Express bus na may plate number TXF713.

“Kaya ginawa ko ung video para makatulong din sa lahat, nakakalungkot lang para sa maga pasahero ako pa may kasalanan. Hindi nila alam buhay nila kapalit din kung may mangyari sa pag counterflow nila, rules are rules gusto natin magbago pero magtulungan din tayo lahat.” Dagdag nya, sabay nag-sorry sa kanyang pagmumura sa kanyang video.

Dapat Panoorin: * Baclaran Metrolink Bus Driver na Pasaway, Sinipa ang Traffic Enforcer Tsaka Tumakas (Video)

Sa video, makikitang nakahinto ang isang sasakyan na may dashcam sa tapat mismo ng Rainbow Express bus na may lulan na maraming pasahero. May mga ibang driver na dumadaan at galit sa bus driver na nag-counterflow. Nagpasya ang driver ng sasakyan na wag umatras para pagbigyan ang bus, at nagalit ang mga pasahero dahil naabala sila.

Dapat Panoorin: * Driver na Nag Counterflow at Nagbalak Pang Tumakas, Huli Agad ng Nakasabay na HPG (Video)

Ilang saglit pa, dumating ang isang traffic enforcer at lumapit sa bus driver. Maya-maya, isang Nissan Sentra ang huminto at bumaba ang driver. Galit na minura ang pasaway na driver. Kinuha nito ang kanyang smartphone at kinunan ng litrato ang bus driver, konduktor, at traffic enforcer, at sinabi nyang isusumbong nya sa city hall kapag hindi nya ito hinuli.

Sa isang punto, nakiusap ang traffic enforcer sa driver na kumuha ng litrato na wag muna siya umalis, dahil tila ayaw ibigay sa kanya ng Rainbow Express bus driver ang kanyang driver’s license. Maya-maya, umandar ng bahagya ang nasabing bus at tila patakas na. Nagalit ang enforcer, at pinilit nya ito na ibigay sa kanya ang kanyang lisensya.

Dapat Panoorin: * Motorcycle Rider Nag Counterflow sa School Zone, Nabundol ang 2 Batang Estudyante (Video)

Sa bandang huli, napamura ang driver ng may dashcam dahil nagalit sa kanya ang mga pasahero ng bus dahil naabala sila. Nang paalis na siya, kitang kita na naglabas ng isang mahabang bakal ang bus driver na nag-counterflow, at tila balak nya ipalo sa driver ng kotse. Nagmurahan silang dalawa, at nakisali na rin sa mura ang ilang pasahero ng bus.

Comments

comments

No Responses