Panoorin: President Duterte, Sakay ng Commercial Flight Pauwi sa Davao, May Katabing Pasahero (Video)

Umuwi sa Davao City si President Rodrigo Duterte galing Manila sakay ng isang Cebu Pacific commercial flight. At gaya ng mga nakaraan nyang byahe, dumaan siya sa security protocol tulad ng isang pangkaraniwang pasahero. Sa video na mapapanood nyo sa ibaba, makikitang excited ang mga taong nakasabay nya sa loob ng eroplano.

“Dili ko ka recover ani! The Rock Star President on our regular flight!!” Grabe ka humble!!” Sulat ng Facebook user na si Bethany Bermudez Romano, bilang caption sa kanyang 41-second video. Mapapansin na sina President Duterte at ang kanyang executive assistant na si Christopher ‘Bong’ Go na nakatayo sa may bandang hulihan ng eroplano.

Makikita din ang isang Cebu Pacific flight attendant na pinauupo na ang mga pasahero para maghanda sa paglipad ng eroplano, habang ang iba naman ay kakapasok lang. Nagsabi din ito sa pangulo na medyo made-delay ang flight, at maririnig na sinabi ni President Duterte na siya na lamang daw ang lalapit sa kanila kung may kailangan sya.

Ganumpaman, hindi mapigilan ang ilang pasahero na kumuha ng litrato sa pangulo, at makikitang kumaway pa si Bong Go habang kinukunan sila ng video. Bagama’t hindi nabanngit ng netizen, halatang economy class lang ang ginamit ni President Duterte. Linggo, January 22 in-upload yung video, at malamang, yun din ang araw na kinunan ito.

Sa isang hiwalay na post sa parehong araw, makikita ang selife photo nina Bethany Bermudez Romano at President Duterte na magkatabing nakaupo sa eroplano. Sinasabing buong byahe papuntang Davao sila magkatabi, na inabot ng higit isang oras. Halatang pagod ang pangulo, pero nakangiti pa rin ito at masayang nakipag-bonding sa mga tao.

Credit: Bethany Bermudez Romano Facebook

Maaring ito ang unang pagkakataon na nakita si President Duterte sakay ng Cebu Pacific, dahil nung mga nakaraan, Philippine Airlines ang madalas nyang sakyan. Samantala, marami ang pumupuri sa kanyang pagiging down-to-earth, pero may ilang netizens din na nangagamba sa kanyang kaligtasan sa kanyang pagbyahe gamit ang commercial flights.

Comments

comments