Panoorin: Pinky Webb Patas na Balita sa CNN International Tungkol kay Pres Duterte, Pinuri (Video)

Pinuri ng maraming netizens si Pinky Webb sa kanyang patas at hindi bias na pagbabalita sa international media tungkol sa President Rodrigo Duterte. Ito ay nasaksihan ng libu-libong televiewers ng CNN Philippines at ng buong mundo nang ma-interview siya ng CNN International news anchor, journalists na si Becky Anderson. Panoorin ang video sa ibaba.

Naganap ang nasabing interview kay Pinky Webb noong Dec 30, 2016, isang araw matapos ang kanyang one-on-one interview kay President Duterte. Sa kanyang report kay Anderson, sinabi ni Webb na di nagustuhan ng pangulo ang mga batikos sa kanyang pinaigting na laban kontra droga, kasama na yung mga galing kay President Barack Obama.

Sa report ni Webb, sinabi daw ni President Duterte na posibleng magbago ang kanyang tingin sa US dahil sa pagkakapanalo ni ngayo’y President Donald Trump. Dagdag ng dating ABS-CBN news anchor, maayos na nag-usap daw ang dalawang pangulo sa phone, at pinag-iisipan ni Duterte kung tuluyan nya ngang ire-repeal ang Visiting Forces Agreement.

Sa huling parte ng kanyang report, sinabi ni Pinky Webb na inamin sa kanya ni President Duterte na nakapatay nga siya ng tatlong tao noong siya ay mayor pa ng Davao City. Pero sa puntong ito, binigyan nya ng diin ang pahayag ng pangulo na ang kanyang mga napatay ay pawang mga kriminal, at ang kanyang ginawa ay naaayon lamang sa batas.

At bagama’t higit dalawang linggo na ang nakakaraan, may ilang netizens na nagsasabing pinagtanggol ni Pinky Webb si President Duterte sa international media. Pero ayon sa karamihan,ginanpaman lang niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang reporter. In short, hindi siya bias tulad ng ilan. Basahin ang comments ng ilang satisfied na netizens.

Kami dito sa Taho News ay palaging sinasabi na wala kaming pinapanigang politiko o political party. At tulad ng lahat ng Pilipino, kami ay naniniwala na ang mainstream media ay dapat maging parehas. At dahil sa maayos na report ni Pinky Webb sa CNN International, kami ay saludo sa kanya at sana’y ipagpatuloy nya ang iyong ginagawa.

Comments

comments