Panoorin: Payo ng Doktor sa Mga Lalaking Madaling Labasan o Premature Ejaculation (Video)

Sinasabing mas mapapaligaya ng mga lalaki ang kanilang asawa o partner kung sabay silang darating sa sukdulan pag dating sa kama. Pero paano kung ang isang lalaki ay madaling labasan, o tinatawag sa English na premature ejaculation? Alamin ang payo ng isang doctor sa segment na Sintomas I-Text Mo sa programa ni Raffy Tulfo sa Aksyon sa TV5 video sa ibaba.

Ayon kay Raffy Tulfo, kumunsulta sa kanila ang isang Marwin Cruz, isang 28-taong gulang na janitor at bagong kasal pa lamang. Sabi nya, mabilis siyang labasan sa tuwing naglabing-labing sila ng misis nya, kaya nabibitin ito. At bagama’t makikita sa mukha ni Raffy Tulfo ang kakaibang ngiti, kinausap nya sa phone si Dr. Gary Sy, isang dalubhasa sa geriatrics medicine.

Sabi ni Dr. Sy, ang premature ejaculation ay ang pagkakataon na hindi mapigil ng isang lalaki na makaraos siya kahit hindi nya pa gusto. Ayon sa kanya, maaaring mangyari ito bago ang aktwal na pagtatalik o ilang saglit pagkatapos makipagtalik. Nilinaw ng duktor na hindi ito isang medical concern, kundi isang psychological factor, o may kinalaman sa pag-iisip ng isang lalaki.

Paliwanag ni Dr. Sy, ang ilan sa mga pwedeng dahilan ng problemang ito ay ang pagkabahala (anxiety), hindi mapakali, palaging nagmamadali, takot, may guilt feeling, at pagiging depressed. Dagdag nya, ang posibleng sanhi nito ay problema sa hormons, nagkaroon ng injury o side effect ng iniinom na gamot. Bago matapos ang segment, nagbigay din siya ng payo para maiwasan ito.

Aniya, may mga relaxation techniques daw na pwede gawin ang mag-partner. Isa ditto ang ihinto muna ng ilang segundo o minuto ang kanilang romansa sa tuwing nararamdaman ng lalaki na malapit na siyang labasan, at ituloy muli kung medyo relax na ang lalaki. Pwede din na mag-iba muna ng posisyon ng pagtatalik. Sa ganitong paraan, mas madali na makakapag adjust ang katawan ng lalaki.

Comments

comments