Panoorin: Pasay Traffic Enforcer, Pinababayaran sa Driver ang Seminar Kahit Walang Violation (Video)

Isang traffic enforcer sa Pasay City ang huli sa video na pinababayaran ang isang seminar sa driver na kanyang pinahinto at walang traffic violation na mabanggit sa kanya. Ayon sa hindi nagpakilalang netizen, naganap ang insidente sa Malibay nito lang Lunes, February 13, dakong 4-5 ng hapon. Panooring mabuti ang video sa ibaba, pati ang comments ng mga netizens.

“Galing po kami ng Roxas Blvd, Kelangan mag pa gas ng aming Grab driver so nasa right lane kami going to Total gas station, near Malibay. Pagkatapos magpagas around 200meters ay pinara kami ng Traffic Enforcer nila at may violation daw.” Sabi sa caption sa video na naka-upload sa Dash Cam Diaries Philippines Facebook page, Miyerkoles, February 15.

“Wala sya sinabing violation kung ano man, maliban sa nasa Yellow Lane kayo… May nabanggit sya tungkol sa seminar, na bagong policy daw ng Pasay Traffic.” Dagdag ng netizen, at sinabing naisipan na nya na kunan ng video ang traffic enforcer dahil narining nya na nagsabi ito na bayaran na lang ng drive ang seminar para hindi na siya huhilihin.

Sa video, maririnig ang nasabing traffic enforcer na tinanong ang driver kung magkano ang kanyang pera. Nakiusap ang driver sa kanya na wag na siyang hulihin dahil wala siya perang pantubos sa kanyang driver’s license. Bago matapos ang video, inulit ng enforcer sa driver ang mga katagang, “Hindi na kita titikitan pag binayaran mo ang seminar.”

Dapat Panoorin: * Traffic Enforcer vs Driver sa Bacolod, Nagsuntukan Matapos Maging Pasaway ang Driver (Video)

Credit: Dash Cam Diaries Philippines Facebook

Hindi masyado nakita sa video ang mukha at pangalan ng Pasay traffic enforcer na naka-green na T-shirt. Pero ang maliwanag, pinababayaran niya sa driver ang isang seminar, na hindi pinaliwanag mabuti kung para saan. Di na rin nabanggit kung nagbayad nga ang driver at kung magkano. Samantala, iba-iba ang reaksyon ng mga nakapanood sa video.

Sabi ng isa sa kanila, ang nasabing traffic enforcer ay myembro ng tinaguriang Green Boys na pinapayagan ang mga terminal ng mga tricycle, jeepney at pedicabs kahit bawal, dahil kumikita sila. Ayon naman sa karamihan, talamak daw ang mga kotong na traffic enforcer sa Pasay City, kaya hinihiling nila kay Mayor Antonino Calixto na hulihin sila.

Comments

comments

No Responses