Panoorin: Napenas, Umalma kay Noynoy Aquino sa SAF 44 Issue, Tularan Daw si President Duterte (Video)

Umalma si dating PNP Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas Jr. sa pahayag ni dating pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III tungkol sa pagkakapatay sa 44 na myembro ng SAF sa Mamasapano noong January 25, 2015. Ito ay matapos muling iginiit ni Aquino na hindi ito umano sumunod sa kanyang utos. Panoorin ang video sa ibaba.

“Kung may kasalanan po ako bilang Pangulo nung panahong iyon, ito po: ni minsan, hindi pumasok sa isip kong magagawa ni Napeñas na magsinungaling sa Pangulo ng Pilipinas. Pinagkatiwalaan ko ang isang two-star police officer, na ako pa mismo ang nagpromote.” Sabi ni Noynoy Aquino sa kanyang paliwanag nitong Huwebes, at ipinagtanggol ang sarili.

Ayon kay Aquino, inutusan nya si Napeñas na kailangan munang makipag-coordinate sa AFP para maihanda ang lahat na kailangan para maging maayos ang tinaguriang Oplan Exodus, kung saan ang target ay ang international terrorist Zulkifli Bin-Hir alias Marwan. Pinagdidiinan ng dating commander-in-chief na hindi ito sumunod sa kanyang mga utos.

Ito ang naging sagot ni Aquino sa akusasyon ni President Rodrigo Duterte na ipinakain nya ang SAF 44 sa kuta ng mga leon. Sinabi ito ng pangulo nang makipag-pulong sya sa mga naulila ng mga napatay na pulis, at inutusan si Philippine National Police (PNP) chief Director-General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na mamuno sa panibagong imbestigasyon.

Samantala, mariing itinanggi ni Napeñas na direkta siyang nagreport kay Aquino, at ni hindi nya daw alam ang cellphone number ng dating pangulo. Aniya, lahat ng pag-uutos ay deretsong nanggaling kay PNP chief Alan Purisima, at hindi sa kanya Dagdag pa niya, tularan daw sana ni Aquino si President Duterte na marunong manindigan sa desisyon.

Dapat Basahin: * Kris Aquino, Na-Snub Nang Dumalaw sa Lamay ng SAF 44

“Siya ang nag-approve ng operation plan. Ang inutusan niya na mamahala ng operation ay si Gen. Purisima na suspendido. Sana ang mga pangulo natin ay katulad ng pangulo ngayon na kung inutos niya, desisyon niya, inapprove niya, tinatayuan niya… Pero yung nakaraan eh hindi ganoon eh. Iiwas siya at isisisi sa iba.” Sabi ni Napeñas sa 24 Oras.

Comments

comments

No Responses