Panoorin: Nakumpiskang Goodbye De Lima Paputok Umusok, PNP Chief Bato Dela Rosa Napatakbo (Video)

Isang bawal na paputok na may tawag na “Goodbye De Lima” ang biglang umusok habang hawak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, at pinapakita sa mga reporters sa Bocaue, Bulacan ngayongg Huwebes, December 29. Panoorin ang video, na kung saan napatakbo ang ‘astig’ na PNP chief.

“Sira-ulo ang gumawa nito. Baka sabihin nya (Sen. De Lima), pulis ang gumawa nito.” Sabi ni PNP chief Bato, sabay tawanan ng kanyang mga tauhan habang hawak nya ang paputok na “Goodbye De Lima.” Pero ang kasiyahan ay nauwi sa taranta nang mapansin nilang may usok na lumalabas mula sa nasabing paputok kahit wala naman itong sindi.

Dahil dito, kanya kanyang takbuhan ng mga reporters, PNP Chief Bato, at mga pulis na naroon.Makikitang dali-dali kinuha ito mula sa kanya ng Provincial Director ng Bulacan at inihagis sa kalye. Pinahinto ang mga dumadaang sasakyan, at binuhusan ng tubig ang “Goodbye De Lima,” para siguradong hindi na ito puputok at makadisgrasya pa.

“Iyung firecracker na iyun, nakakatakot eh. Umusok bigla, ‘di ba? Napakalakas ng power nung rebintador na iyun. Ewan ko kung may bad omen iyun o what. Ang importante, hindi tayo nasabugan. ” Sabi ni PNP Chief Bato pagkatapos ng insidente, sabay dagdag na bahala na kung makantyawan siya, hindi lang naman daw siya mag-isa ang nataranta.

Ang “Goodbye De Lima” ay isa lamang sa mga ilegal na paputok na nakumpiska ng PNP mula sa 11 nagtitinda, at nakatago sa mga warehouse sa Bocaue, Bulacan. Inaresto ang mga suspect at kakasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 7183, o ang Act Regulating the Sale, Manufacture, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Matatandaan na mula’t sapol, nais na ni President Duterte na ipatupad ang firecracker ban sa buong bansa, gaya ng kanyang ginawa sa Davao City nung mayor pa lang siya ng nasabing lugar. Pero dahil sa laki na ng industriya ng paputok at posibleng marami ang mawawalan ng trabaho, sinabi nya na posibleng sa taong 2017 na lamang nya ito ipapatupad.

Comments

comments

No Responses