Panoorin: Naarestong Holdaper ng Bus, Hinoldap ng Kasabwat na Holdaper? (Video)

Isang holdaper ng pampasaherong bus ang naaresto ng awtoridad nitong Biyernes, February 17 sa loob mismo ng kanyang bahay sa Antipolo, Rizal. Ang problema, hindi na mabawi ang nanakaw sa mga biktima dahil sabi ng suspect, hinoldap din daw siya ng kanyang kasabwat na holdaper. Panoorin sa ibaba ang video ng GMA News ’24 Oras.’

Ayon sa report, ang nadakip na suspect ay kinilalang si Allan Leoniza de Chavez, na isa sa dalawang nang-holdap ng bus na byaheng Edsa- Kamuning sa Quezon City, wala pang 24 oras matapos ang insidente. Kinilala siya ng mga naging biktima nila sa pamamagitan ng profile photos ng mga dati nang naarestong holdaper na tinipon ng Kamuning Police,

Sabi ni P/Supt. Robert Sales, commander ng Station 9 ng Quezon City Police District (QCPD), naaresto na at nakulong dati si De Chavez dahil sa pagnanakaw pero na-dsimiss ang kaso dahil ang mga naging biktima nya, hindi na sumipot sa mga hearing sa korte. Pero nang makalaya nung 2011, muling nagnakaw ang supect, imbes na magbago.

Paliwanag naman ng naarestong holdaper, napilitan lang daw siya uli magnakaw dahil kinailangan nya pera nang ma-cesarean ang kanyang asawa. Ganunpaman, inamin nya na nag-shabu muna sila ng kanyang kasabwat na pinangalanan niyang Botchok bago sila nang-holdap. Binigyan din daw nito ng isang kalibre 38, na ginamit nya sa pangho-holdap.

“Pagbaba namin hinoldap din ako, yung baril na hawak niya itinutok sa akin. Bigay ko raw sa kaniya yung baril, inagaw pa sa akin ang bag.” Sabi ni De Chavez kay GMA News reporter Tricia Zafra, bilang paliwanag nya kung bakit wala na yung mga gamit ng mga biktima na tinangay nila nung kasabwat niya sa pangho-holdap ng mga pasahero ng bus.

Habang tinutugis pa ng mga pulis ang isa pang suspect, kami dito sa Taho News ay nagpapa-alala sa publiko na iwasang magsuot ng mga alahas sa public places, o magdala ng malaking halaga ng pera kung hind namin kailangan. Hinihiling din namin sa kapulisan na maging visible sila sa kalye para matakot ang mga holdaper, snatcher, at iba pa.

Comments

comments