Panoorin: Motorycle Rider Biglang Nag Overtake, Nadulas, Bumaligtad ang Nabanggang Tricycle (Video)

Isang motorcycle rider ang nag-overtake sa isang kotse at nadulas dahil mabuhangin ang kalsada. Ang mas masaklap, nakabangga pa ito ng isang tricycle na bumaliktad pati mga sakay nito. Ang insidente ay naganap sa Barangay Lourdes, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lang Linggo, February 12, saktong 5 pm. Panoorin ang CCTV video sa ibaba.

Sa video na in-upload ng netizen na si Jessica Balinagay sa kanyang Facebook page, maririnig ang paliwanag ng isang lalaki kung ano ang nangyari. Makikita na ang motorcycle rider na naka-green na T-shirt ay mabilis na nag-overtake sa isang kotse mula sa kanan. Maya-maya pa, gumewang ito at nabangga sa isang kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng bangga, sumirko ang tricycle ng 360 degrees kasama ang driver at angkas nito. Sa biglang tingin, aakalain na ang harap ng kotse ay nabangga sa hulihan ng motor kaya ito natumba. Pero kung susuriing mabuti ang video, mapapansing umese muna ang motor bago ito natumba. Sa lakas ng impact, tumama ang harapan ng motor sa tricycle.

Aakalain din ang motorcycle rider ay nasagasaan ng kotse, pero nasa tabi lang siya ng kanyang motor hindi lang makita sa camera. Posibleng hindi nya napansin na mabuhangin ang parteng iyun ng kalsada, kaya binilisan nya ang takbo nya. Pero ang malinaw na malinaw, walang helmet ang pasaway na rider at nag-overtake siya at nandamay pa.

Sa ngayon, walang impormasyon kung ano lagay ng motorcycle rider, na nakahandusay hanggang matapos ang video. Makikita naman ang driver ng tricycle ay hindi makatayo at halatang nasaktan, samantalang ang sakay nya ay nakatayo naman agad. Ayon sa mga comments, ang insidente ay naganap sa tapat ng isang Kakay’s Fried Duck papuntang JM’s restaurant, at sa tabi lang din ng bahay ng nag-upload ng video.

Dapat Panoorin: * Bataan Transit Bus, Nakasagasa ng Ina, 2 Batang Tumatawid sa Pedestrian Lane (Video)

Kami naman dito sa Taho News ay di magsasawa na magpaalala na laging mag-ingat, para iwas aksidente. Isipin din natin na may mga posibleng madamay dahil sa ating kapabayaan o kayabangan. Huwag masyadong magdali lalo na kung hindi natin kabisado ang daan. Higit sa lahat, matutong sumunod sa batas trapiko at huwag maging pasaway.

Comments

comments

No Responses