Panoorin: Motorcycle Rider Nag Counterflow sa School Zone, Nabundol ang 2 Batang Estudyante (Video)

Dalawang batang lalaking estudyante ang nabundol ng isang motorcycle rider na mabilis magpatakbo at nag-counterflow. Ayon sa dashboard camera video, ang nasabing insidente ay naganap noong January 10, dakong 11:30 ng umaga sa isang school zone sa P. Laygo street, Lipa City, Batangas. Warning: Ang laman ng video ay medyo maselan.

Sa simula ng video, makikita na ang driver ng isang kotse na may dashcam na mabagal magpatakbo dahil sa traffic. Makikita din na maraming estudyante sa magkabilang side ng kalsada, na malamang ay mananaghali. Saglit pa, huminto ang sasakyan dahil may dalawang batang estudyante (lalaki at babae) na sumakay sa tricycle na nasa unahan nya.

Maya-maya pa, may dalawang batang lalaking estudyanteng magkasama na biglang tumawid sa kalsada. Mapapansing hindi na sila tumingin sa kaliwa, dahil siguro iniisip nila wala namang paparating na sasakyan na magka-counterflow. Kaya nga lang, biglang sumulpot ang isang motorcycle rider na mabilis magpatakbo at nahagip nya ang mga bata.

Dapat Panoorin: * Tricycle, Nag-Counterflow sa NLEX, Muntik Mabangga ng Mga Kasalubong Nyang Kotse (Video)

Maririnig sa background na napasigaw sa gulat ang driver ng sasakyan na may dashcam. Makikitang tumumba sa kalye ang dalawang bata, at ang isa sa kanila ay tumama pa ang ulo sa kalye. Saglit pa, gumapang ng konti at tumayo at bumalik sa kabilang kalye. Nagpagpag muna ng sarili ang unang nabundol bago paika-ikang sumunod sa kanya.

Samantala, ang nasabing rider ay natumba din kasabay ng kanyang motor, pero halata namang hindi gaanong nasaktan. Hindi sya bumangon hanggang sa matapos ang video. Siguro, umaarte lang siya na kunwari lang na nasaktan para hindi siya kuyugin ng mga taong nakasaksi sa kanyang ginawa. Mapapansing wala din siyang suot na helmet.

Dapat Panoorin: * Driver na Nag Counterflow at Nagbalak Pang Tumakas, Huli Agad ng Nakasabay na HPG (Video)

Dapat Panoorin: * Rainbow Express Bus Driver Nag Counterflow, Nag Beast Mode at Balak Pang Manakit (Video)

Kami dito sa Taho News ay hindi mnagsasawang magpa-alala sa lahat ng pedestrian na tumingin muna sa paligid bago tumawid ng kalsada. Sa mga magulang naman, sana po ay laging paalalahanan ang mga bata na huwag tumakbo sa kalye, lalo na kung tatawid. At sa mga drivers at riders na tulad nya, kung pasaway din lang, maglakad na lang kayo.

Comments

comments

No Responses