Panoorin: Motor Natumba Dahil sa Bola ng Basketball, Babaeng Angkas na Walang Helmet, Malubha (Video)

Isang motor ang natumba matapos magasagasaan ang isang bola ng basketball na biglang tumalsik sa dinadaan nito. Nangyari ang insidente sa Santiago St corner Osmeña St. Brgy Del Monte, Quezon City, noong Huwebes, March 9, dakong 6 ng umaga. Kitang kita sa CCTV na tumama ang ulo ng babaeng angkas ng motor. Panoorin ang video sa ibaba.

Sa nasabing video sa Facebook page ni Macky Carane, makikitang may naglalaro ng basketball sa kalye at napalayo ang bola sa daan. Sakto namang dumaan ang isang motor, at nasagasaan nito ang bola. Sa isang iglap, sumemplang ang motor at ang mga sakay nito. Hindi gaanong nasaktan ang rider, pero ang angkas nyang babae ay malubha.

Biglang nagpulasan ang mga naglalaro ng basketball nang makita ang nangyari. Nagpilit tumayo ang lalaking rider para tulungan ang babaeng angkas niya, na tumama ang ulo sa semento. Lumapit din ang ilang mga saksi upang sumaklolo, at inalalayan ang babae. Makikita na nangingisay ito sa sakit, at di na makatayo, at halatang malubhang nasaktan.

Maya-maya pa, dinampot naman ng isa sa mga naglalaro ng basketball ang bolang naging sanhi ng aksidente, at nilagay nya ito sa sidewalk. Kasabay nito, dumami na ang tumulong sa babae, pero tila nawalan na ito ng malay, at inihiga na lamang ito sa daan. Dito na natapos ang video, at wala pang update kung ano na ang lagay ng biktima.

Sa aming pagkakalam, bawal na ang magbasketball sa kalye. Hindi lamang dahil isa ito sa sanhi ng traffic, kundi para na rin maiwasan ang mga aksidenteng gaya nito. Hindi namin masasabi kung mablis ang takbo ng motor kaya ito natumba. Pero tingin namin, posibleng hindi gaanong nasaktan ang angkas na babae kung siya lamang ay may suot na helmet.

Ganunpaman, dasal namin na sana ay nasa mabuti nang lagay nung babae. Hiling din namin sa concerned govertment department, mga barangay captain at mga lokal na opisyal, tanggalin ang lahat ng obstruction sa mga motorista, at siguruduhing ligtas ang kalye. Maging aral din sana ang insidenteng ito sa mga mahilig mag-basketball sa kalye.

Comments

comments