Panoorin: Misteryosong Nilalang, Nakasalubong ng mga Motorcycle Riders sa Kagubatan (Video)

Isang misteryosong nilalang ang nakasalubong ng grupo ng mga motorcycle riders kamakailan sa daan habang sila ay namamasyal sa isang kagubatan sa Banda Aceh, capital ng Aceh province, sa isla ng Sumatra, Indonesia. Ang pangyayari ay nakunan ng video mula sa helmet camera ng isa sa mga riders. Panooring mabuti ang video sa ibaba.

Sa YouTube video ng Fredography na in-upload noong nakaraang Miyerkoles, March 22, makikita ang grupo ng mga riders na binabagtas ang isang daan sa nasabing kagubatan. Maya maya pa, ang nasa unahang rider ay biglang napahinto, at muntik pang mahulog sa kanyang motor. Ito ay dahil sa sobrang gulat nang makita nya ang misteryosong nilalang.

Napalingon ang rider sa kanyang mga kasamahan, na halatang nagulat din sa kanilang nakita. Pag lingon nya uli, wala na ang nilalang na kalbo at walang damit pang-itaas. Kita sa video na matulin itong tumatakbo papalayo. Mabilis siyang sinundan ng mga riders pero mas maliksi ito at bigla na lang naglaho nang pumasok ito sa masukal na damuhan.

Bumaba ang ilang riders sa kanilang motor at pinasok ang damuhan, at sinubukan siyang hanapin. At bagama’t nabigo sila, nakita nila ang isang mahabang sanga ng puno na dala-dala ng nilalang. Hindi na nalaman kung ano ang tunay na uri ng nilalang ito, pero marami sa mga comments na nasabing video ay posibleng ito daw ay miyembro ng Mante tribe.

Ang Mante tribe ay sinasabing isang pygmy tribe sa Indonesia na ang mga miyembro ay maliliit na tao, at mas mababa pa sa karaniwang laki ng tao. Sila ay pinaniniwalaang sobrang mailap sa tao, at hindi halos nagpapakita sa hindi nila kauri. Pinaniniwalaan din na huli silang nakita noon 17th century, pero walang ebidensyang nagpapatunay dito.

Ang nasabing video ay nagviral, at mayroon na itong kulang 4.8 million views. Ibinalita din ito sa iba’t ibang international news sites, kung saan iba-iba ang naging opinyon ng mga netizens. Kami dito sa Taho News ay namangha din sa aming napanood, at hirap din kami na magbigay ng aming kuro-kuro. Hahayaan namin ang mga experto na mas nakakaalam.

Comments

comments