Panoorin: Mga Pasaway na Pulis na Sinermonan at Pinahiya ni President Duterte, Sumama ang Loob (Video)

Nagtatampo ang ilang sa mga pasaway na pulis na sinabon at minura ni President Rodrigo Duterte nitong Martes, February 7. Ito ay matapos silang utusan ni PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa pangulo sa Malakanyang, at nakita sa TV. Panoorin ang sentimyento ng ilan sa kanila sa GMA News video sa ibaba.

“Meron talagang mga kagaya nyo na ulol at bugok, mga put***-ina nyo…” Sabi ni President Duterte sa 228 na mga pasaway na pulis, na diumananong sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng ilegal na droga at EJKs (extrajudicial killings). Dagdag ng galit na galit na pangulo, ipapadala daw nya ang mga ito sa Balisan, at kung ayaw nila, mag-resign na lang sila.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos, 264 ang orihinal na bilang na pinatawag para humarap kay President Duterte, kaya lumalabas na may 36 pang mga pulis na hindi sumipot sa Camp Crame kaya hindi rin sila nakapunta sa Malakanyang. Ang mga ito ay itinuturing nang AWOL (Absent Without Official Leave) at may dagdag na kaso.

Dagdag ni Carlos, titingnang mabuti ang records ng mga nasabing pasaway na pulis, para malaman kung sino ang talagang pasaway at kung sino ang nagkamali lang pero pwde pang magbago. Nilinaw din nya na hindi parusa ang pagpapadala sa kanila sa Basilan kundi parte ng regular na programa ng PNP na ilipat ng destino, depende sa sitwasyon.

Ganunpaman, hindi itinanggi ng ilan sa mga pulis na humarap kay President Duterte na masama ang kanilang loob. Sa interview sa kanila ni Mariz Umali sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkoles, inilabas ng mga pulis na hindi pinakita ang mukha sa camera ang kanilang pagtatampo, lalo na at napahiya sila sa harap ng kanilang pamilya.

“Ang masakit lang po yung ganito, yung ihaharap kami nang ganito, napakapanget,” sabi ng isa sa kanila. “Akala namin, itong organisasyon namin ay tutulungan kami pero ito ngayon napapahiya kami pati pamilya namin,” sabi naman ng isa. Ilan lamang sila sa batch ng pulis ng NCRPO na binigyan ng 10 araw para maghanda papunta sa Basilan.

Comments

comments