Panoorin: Mga Pang-aabusong Sexual ng mga Pari, na Pinagtakpan ng Catholic Church (Documentary Video)

Alam nating lahat na may mga ilang paring nang-aabuso sa mga batang lalaki at babae. Sa mga kasong ito, may ilan sa kanila na umamin sa kanilang kasalanan at pinarusahan daw, sabi ng Catholic Church. Pero ang problema, may mga kasong natabunan na, at tila pinagtakpan ng mga bishops at ilang may mataas na katungkulan sa nasabing simbahan.

Sa documentary video ng Retro Report ng New York Times na inilabas nila noong March 2014 na pinamagatang The Shame of the Catholic Church (Ang Kahihiyan ng Simbahang Katoliko), binalikan ang ilang controversial na kaso kung saan ang mga paring katoliko na imbes na nagtuturo ng kabanalan, sila ay mismo ang gumagawa ng imoral at kalaswaan.

Sa simula ng video series na mapapanood nyo sa ibaba, pinakita ang ilang news clips tungkol sa mga reklamo ng pang-aabusong sexual ng mga paring Katoliko sa US mula 80s hanggang 90s. Isa lamang dito ang mga kaso laban kay Fr. Gilbert Gauthe ng Louisiana, na umaming nag-molestiya ng 37 kabataan mula 1972 hanggang 1983.

Must Watch: * Sexual Abuses by Catholic Priests in the Philippines Investigated (Al Jazeera Documentary Video)

Nabanggit din sa documentary ang pakikipaglaban ni Barbara Blaine, na founder at president ng Survivors Network of those Abused by Priests (SNAP), at isa ding biktima ng sexual abuse ng isang Fr. Chet Warren mula 1969 hanggang 1974. Isiniwalat nya ito sa publiko noong 1989, pero natanggal sa serbisyo ang pedohphile na pari ay 1993 na.

Ang masakit, marami ring kasong sekswal laban sa mga paring Katoliko sa iba’t ibang bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas pero di gaanong nabibigyan ng pansin ng media o naareglo ng Catholic Church. At sa kabila ng pangako ng Simbahang Katoliko na uusigin ang mga nagkasalang pari at babaguhin ang kanilang sistema, may mga reklamo pa rin.

Dapat Panoorin: * Bishop Bacani sa Kanyang 2 Asawa na Sinabi ni President Duterte, “Para Siyang Sira” (Video)

Dito sa atin, naging matunog ang Bishop Teodoro Bacani scandal nang ireklamo siya ng pamomolestiya ng kanyang 35-anyos na sekretarya na si Carolyn noong 2003. Sa tulong ng grupong Gabriela, inimbestigahan ng Vatican ang nasabing kaso, at napilitang magresign ni Bacani sa parehong taon pero mairiin nyang itinanggi nya ang akusasyon.

Comments

comments

No Responses