Panoorin: Mga Batang Kalye sa Manila na Niligtas ng Social Workers, Tumakas sa Rescue Van (Video)

Isang grupo ng mga batang kalye sa iba’t ibang bahagi ng Manila ang iniligtas ng mga social workers, pero ang ilan sa kanila tumakas nang isinakay na sa rescue van. Nasaksihan ni Manila Bulletin photographer Ali Vicoy ang buong pangyayari, at kinunan nya ng litrato ang mga ito. Panoorin ang balita ng ABS-CBN news video sa ibaba.

Ayon sa report, nagsitakasan ang mga batang kalye habang binaybay ng resue van ng Manila Social Welfare Department (MSWD) ang Quiapo at pabalik na sila sa kanilang opisina. Sa mga larawan, makikitang isa isang dumaan ang mga ito sa kanang bintana ng sasakyan, na hindi agad napansin ng mga social workers na nasa harap nakapwesto.

Mapapansin na ang unang bata na nakatakas matapos nya ipinilit ang sarili na dumaan sa napakaliit na espasyo ng bintana. Mabilis na sumunod sa kanya ang ikalawang bata pero huminto ang sasakyan, bumaba agad ang isang social worker at ibinalik siya sa loob bago pa siya tuluyung nakatakas. Dalawang pulis ang lumapit para tumulong sa kanila.

Ganunpaman, nakatakas pa rin ang ilang batang na-rescue nang muling umandar ang nasabing sasakyan, lalo na kung nasa may Dimasalang na sila. Ang isa pa nga sa kanila, sumampa sa likod ng van at tinangkang buksan ang pinto para tulungang tumakas din ang iba, pero nabigo ito. Sa huli, nakita uli ang mga nagsitakas at tuluyan silang na-rescue.

Sabi ng MSWD, natagpuan nila ang mga tumakas sa kahabaan ng P. Naval st.sa Sampaloc, at umabot sa kabuuan na 120 na mga batang kalye ang nailigtas nila nung araw lang na iyon. At para maiwasang may makatakas uli, plano nilang lagyan ng railings ang kanilang rescue van, at mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga bata.

Sa ganang amin dito sa Taho News, natutuwa kami sa effort ng MWSD pati ng DSWD para mailigtas ang batang kalye. Sa ganitong paraan, matulungan sila na lumaking maayos, malayo sa bisyo, at maging mabuting mamamayan. Kaya lang, ang tanong, bakit sila tumatakas? Kung hindi matutukan ang problemang ito, marami pa rin ang tatakas.

Comments

comments