Panoorin: Mga Bagong MRT Tren na Binili Noong Nonoy Aquino Administration, Di Akma sa Riles (Video)

Hindi pa magagamit ang mga bagong tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ang mga dumating na 48 tren ay binili pa noong 2014, sa panahon ni dating President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, at dapat sana ay pwede nang magamit ngayong buwan ng Marso. Panoorin ang TV Patrol video sa ibaba.

Ayon kay DOTr Undersecretary for the Rail Sector Cesar Chavez, ang mga nasabing tren ay hindi akma sa riles ang ating kasalukuying MRT system, at malabong magamit ang mga ito sa susunod na isa at kalahating taon. Ang project na ito ay nagkakahalagang P3 bilyon, na binili sa panahon ni dating Transportation Secretary Joseph Emilio ‘Jun’ Abaya.

Nitong nakaraang Huwebes, ipinakita ni MRT Director for Operations Deo Manalo sa media ang pag-testing sa isa sa mga tren, na gawa ng Dalian Locomotive Corp., isang Chinese company. Doon, sinabi nya na na-activate ang signalling ng tren sa ating MRT system pero sinabing kailangan pa rin maprepekto sa MRT ang internals ng mga tren.

Dagdag ni Manalo, magkakaroon pa mga iba’t ibang testing sa mga tren na inaasahang matatapos ngayong buwan o sa Abril. Ang power system naman ay kailangan din daw i-upgrade, na posibleng matapos bago matapos ang taon. Kompleto na umano ang mga dokumento at naipasa na ito kay Undersecretary Chavez noong nakaraang linggo.

Must Watch: * Duterte Camp Talks with MRT Owners, to Add 96 More Trains (Video)

Samantala, 14 percent pa lang ng pinag-usapang presyo ang binyaran ng MRT management noong panahon ni Noynoy Aquino. Sabi ni Chavez, nasa kanyang opisina na ang billing ng proyekto, pero hindi nya daw ito pipirmahan hanggang hindi natatapos ang lahat ng kailanang testing, at masigurado na pasado ito sa standards at ligtas gamitin ng publiko.

Comments

comments