Panoorin: Mercedes Benz Nasunog, Bumbero, Pinagbintangan ng May-ari na Ninakaw ang Kanyang Bag (Video)

Isang mamahaling Mercedes Benz ang biglang nasunog sa Batasan Rd. Quezon City. Dumating ang mga bumbero at tinutulungang maapula ang nasusunog na sasakyan. Ang problema, nagalit ang may-ari nito at pinagbintangan ang isa sa mga bumbero na ninakaw daw ang bag niya sa loob ng kanyang sasakyan. Panoorin ang 24 Oras news video sa ibaba.

Ayon sa report ni GMA News reporter Bernadette Reyes nitong Miyerkoles, February 1, naganap ang insidente pasado alas-10 ng umaga nung araw na yun. Makikita sa video na nasusunog ang unahang bahagi ng Mercedes Benz, na may plakang XGJ111 sa nasabing lugar. Makikita din na may isang lalaking sumaklolo gamit ang isang fire extinguisher.

Maya-maya, may sumabog sa may hood ng nasusunog na kotse. Ilang saglit pa, dumating ang isang fire truck at pinagtulungan ng mga bumbero na patayin ang apoy. Kaya lang, nagalit ang may-ari ng Mercedes Benz na si Dennis Sioson kay Fire Officer 1 (FO1) Carlo Feleciba, at kinuha daw nito ang kanyang bag sa loob ng nasusunog nyang sasakyan.

Pero ayon kay SFO4 Anthony Basas of the Quezon City Fire Station 2, hindi ninakaw ni Feleciba ang nasabing bag. Aniya, kailangang lang na buksan ng bumbero ang mga pinto at bintana ng kotse ni Sioson para pumasok ang hangin sa loob at lumamig ang interior nito. Napatunayan din na hindi nawala ang bag, pero nagdamdam pa rin si Feleciba.

“Nakakasama lang ng loob. Bigla siyang nag-react ng hindi naman naaayon sa dapat niyang ikilos,” sabi ni FO1 Feleciba sa interview ng reporter. Sa huli, nag-sorry daw sa kanya si Sioson at makikitang nag-shake hands sila. Ayon sa mga bumbero, posibleng may problema sa electrical wiring ng nasabing Mercedes Benz kaya ito biglang nagliyab.

Kami naman dito sa Taho News ay nagpapa-alala sa lahat, na maging mahinahon sa lahat ng bagay. Alam natin ng may mga tiwaling bumbero, pulis, at iba pang nagta-trabaho sa gobyerno. Kaya lang, iilan lang sila at hindi tama na magbintang tayo agad ng walang ebidensya. Marami pa rin sa kanila ang tapat sa tungkulin, kahit mababa lang ang sweldo.

Comments

comments