Panoorin: Manyak na Jeep Barker, Nilaro ang Ari sa Harap ng Babaeng Pasahero, Arestado (Video)

Isang manyak na jeep barker (nagtatawag ng pasahero) ang naaresto at nakakulong na ngayon matapos isumbong ng isang babaeng pasahero ng mismong jeep. Huling huli ang lalaki sa video na ilabas nya ang kanyang ari at ito’y kanyang pinaglaruan sa harap ng babae. Warning: Maselan ang nilalaman ng video na mapapanood nyo. Bawal sa bata.

Ayon sa biktimang si Pauline Fortuno, sakay siya ng jeep sa Kalayaan-Buting sa Pasig City papuntang Market-Market noong January 10, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente. Nasa may hulihan siya ng jeep at konti pa lang silang pasahero, kaya’t ang barker ay nagtatawag pa habang siya naman ang nagche-check ng kanyang Facebook.

“Napansin ko panay titig sakin sabay himas niya sa private part niya. Di ko pa rin pinapansin. Mamaya naririnig ko sinisingitan na niya yung sigaw niya ng “Ate tignan mo galit na” dun ako nabadtrip . e wala pang tao sa jeep nun iilan lang kami. Kung ano ano sinasabi niyan sabay tatawa at tititig sakin.” Sabi ni Pauline Fortuno sa kanyang Facebook post.

Dapat Panoorin: * Manyak na Naka Bike, Nilalaro ang Ari Habang Dumadaan ang Mga Babaeng Estudyante (Video)

Nauna dito, sinabi ng biktima na siya ay naka-pants at shirt noon, pero kahit anong ayos daw ng suot ng isang babae ay posibleng mabastos pa rin. Kinilala nya ang manyak na barker na si Archie Navarro, 34, at taga Guadalupe Nuevo, Makati City. Pina-blotter nya na rin daw ang suspek, at hawak na rin daw ito ng namamahala sa Barangay East Rembo.

Sa ngayon, hindi na makikita ang original na video sa Facebook ni Pauline Fortuno. Pero bago nya ito tinanggal, nire-upload ito sa iba’t ibang Facebook communities at naging viral. Galit na galit ang netizens kay Archie Navarro, at marami sa kanila ang nagsasabi na dapat lamang siyang makulong, at patawan ng kaukulang parusang naaayon sa batas.

Dapat Tingnan: * Dalagang Estudyante, Nanapak ng Manyak sa Loob ng LRT, Nabalian ng Kamay

Kami dito sa Taho News ay nakikisimpatya sa sinapit ni Ms. Fortuna, at hinahangaan namin ang kanyang katapangan. Pero gaya ng sabi nya, posibleng mangyari din ito sa gabi kaya’t pinapaalahanan din namin ang mga kababaihan ng mag-ingat. At sa mga manyakis na tulad ni Navarro, ang dapat na gawin sa kanila ay putulan ng kaligayahan.

Comments

comments

No Responses