Panoorin: Magnanakaw ng Cellphone ng Lolang Nagbabantay Kay Lolo sa Ospital, Huli sa CCTV (Video)

Isang kawatan ang huling huli sa CCTV footage na pumasok sa isang kwarto ng ospital, at ninakaw ang cellphone ng isang matandang babae na nagbabantay sa asawa nyang may malubhang sakit. Panooring mabuti ang video sa ibaba, na kung saan sinamantala ng isang lalaki ang labis na kapaguran ng kawawang lola nung nakaraang December 4.

Ayon sa description ng video, naganap ang pagnanakaw ng cellphone ng matandang babae sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Iba, Zambales, mga 5:47 ng umaga nang araw na yun. Sa una, makikitang pumasok ang isang lalaking matikas at maayos ang damit, na palinga-linga at nakita nya si lola na nakayuko sa isang bakanteng kama.

Maya-maya pa, tumayo ang lalaki sa may pinto at parang may tinitingnan sa kanyang cellphone. Ilang saglit pa, nilapitan nya ang lola pero may dumaan na isang babae. Dali-daling bumalik ang lalaki sa kanyang pwesto at nagkunwaring may kausap sa cellphone. May ilang tao pang dumaan, pero matiyagang naghintay ang lalaki ng tamang timing.

Nang masigurado na ng lalaki na wala nang dumadaan, dahan-dahan nyang nilapitan ang matandang babae na nasa kabilang side ng kama. Akma na nyang nakawin ang cellphone nito, pero biglang inangat ni lola ang kanyang ulo kaya hindi natuloy ang pagnanakaw. Pero sa pangalawang pagtangka, nagtagumpay na siya sa kanyang maitim na plano.

Mabilis na umalis ang magnanakaw, at hindi na pinakita sa CCTV ang mga sumunod na pangyayari. Pero ayon sa description, nalaman ni lola na nawala ang kanyang cellphone. Lumabas ito ng kwarto at naghahanap ng pwedeng pakiusapan na mahiraman nya ng cellphone. Ang mas masakit, namatay ang kanyang asawa na wala siya sa tabi nito.

Sa ngayon, hindi namin alam kung nahuli na ang magnanakaw. Pero kung hindi pa, malaki ang tulong ng CCTV video lalo na kung ikakalat natin ito sa Facebook. Sana po ang magpaalala din ito na mag-doble ingat tayo sa mga gamit natin. At para naman sa lalaking nagnakaw ng cellphone, “Brad, Ang laki mong kalabaw, pero wala kang puso!”

Comments

comments