Panoorin: Magkapatid na Ina, Bugaw ng mga Sariling Anak sa Amerikano, Arestado ng NBI (Video)

Arestado ang magkapatid na babae, matapos mapag-alamang binubugaw nila ang mga sarili nitong anak sa isang Amerikano. Naaresto ang mga suspect sa isang hindi pinangalanang resort sa Cavite noong Biyernes, March 17, ng NBI (National Bureau of Investigation) sa isang entrapment operation. Panoorin ang TV Patrol video sa ibaba.

Ayon sa report, nagkunwaring isang pedophile ang isang NBI agent at nakikipagkasundo ito sa magkapatid na Fely at Tess sa halagang P20,000 para sa isang 18 anyos na babae at sa pagkuha ng larawan ng isang dalawang buwang gulang na sanggol. Tumulong din ang US Department of Homeland Security sa pagbigay ng mga impormasyon sa NBI.

“The arrested persons were related to the victims. Yung ilegal na activity na ito, ginagawa sa bahay mismo. The children are really groomed to do this kind of thing. So akala nila , just to help their parents, okay lang yung maghubad sila at makipagtalik sila sa mga foreigners.” Sabi ni Atty. Janet Francisco, chief ng NBI Anti-Human Trafficking Division.

Sinasabing noong 2014 pa nagpapadala ang magkapatid sa mga foreigners ng mga hubad na larawan ng kanilang mga anak gamit ang Internet, nagsimula silang i-monitor ng US government noong 2015. Dito na sila nagsimula humingi ng tulong sa NBI para masagip ang mga bata, at madakip ang kanilang mga ina na nambubugaw sa kanila.

Ayon sa NBI, umabot sa 13 mga kabataan ang kanilang naligtas kabilang ang 9 na anak ng mga suspect at 4 pang kabataan. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na binugaw ng magkapatid ang kanilang mga anak. Sa interview, mariing itinanggi ng mga suspects ang bintang, at sinabing kaya lamang sila naroon sa resport ay para ipasyal ang mga bata.

“Gusto lang sana mag-swimming ng mga bata, kaya po nakasama yung anak kong 2 months. Sinama ko lang kasi walang mag-aalala.” Sabi ni Fely sa mga reporters, at kinumpirmang may foreigner nga na nag-alok sa kanila na ibugaw sa kanya ang kanilang mga anak, at sinasamantala lang daw nito ang pagiging gipit nila sa pera ngayon.

Comments

comments