Panoorin: Mabilis na Motor, Nabangga ang Taxi sa Intersection, Rider at Mga Angkas, Tumilapon (Video)

Isang motorcycle rider at kanyang mga angkas ay tumilapon ng ilang metro matapos mabangga nito ang isang taxi na paliko sa isang intersection. Ayon sa caption ng video na naka-upload sa Facebook page ni Elibert Mulong Tormis, naganap ang insidente nitong Huwebes, March 23, dakong 2:20 am. Warning: Medyo maselan ang laman ng video.

Sa CCTV video, makikita ang isang puting taxi na paparating sa may 7/11 Store, sa intesection ng Armstrong Avenue at Rodriguez Avenue, sa Paranque City. Mabagal ang takbo ng taxi, at nag-signal ang taxi driver na siya ay liliko sa kaliwa. Pero habang papaliko na siya, isang napakabilis ang motor ang sumalubong at bumangga sa kanya.

Makikitang humagis ang motor ng ilang metro at nagkakihiwalay ito. Humagis din ang rider at ayon sa nagsasalita sa video, dalawa ang angkas nito na lumipad din na parang papel. Sa lakas ng bangga, nayupi ang harapan ng taxi, pero hindi nakitang bumaba ang taxi driver. May ilang tao na lumapit, at ang mga sakay ng motor ay gumalaw ng bahagya.

Sa ngayon, hindi alam kung ano na ang lagay ng rider at mga angkas niya. Hindi rin natukoy ang kanilang pagkakakilanlan, at sinasabing wala ni isa sa kanila ang may suot na helmet. Hindi rin tukoy ang pangalan ng taxi driver at taxi na kanyang dala. Samantala, iba iba ang naging comment ng mga netizens na nakapanood ng video ng insidente.

Sabi ng karamihan sa kanila, kasalanan ng rider ang nangyari dahil mabilis siya magpatakbo ng kanyang motor. Sinasabi rin na kahit wala yung taxi na liliko, dapat daw ay binagalan niya ang takbo habang dumadaan siya sa isang intersection. Ayon naman sa ilan, may mali din ang taxi driver dahil hindi niya nakita ang dumadarating ng motor.

Kami naman dito sa Taho News ay muling nagpapa-alala sa lahat ng motorista na mag-ingat. Siguruduhing walang darating na sasakyan bago lumiko, at huwag lumiko agad kahit naka signal na. Sa mga riders naman, huwag masyadong tulinan ang takbo, at huminto muna pagdating sa isang intersection. Higit sa lahat, laging magsuot ng helmet.

Comments

comments