Panoorin: Lola sa Bulacan, Ginagamit ang Babaeng Apo sa Pagnanakaw sa Mga Tiangge (Video)

Huli sa CCTV ang isang lola na ginamit ang kanyang babaeng apo sa pagnanakaw sa mga tiangge sa Bulacan. Ang modus operandi, nagkukunwaring silang customer at yung bata ang nagnanakaw ng gamit at pinapasa sa lola nya. Ang matindi, di lang pala isang beses ginamit ng lola ang apo sa masama. Panoorin ang ABS-CBN News video sa ibaba.

Sa report ng TV Patrol noong Miyerkoles, February 8, kita sa CCTV ng isang tiangge (flee market) sa Sta. Maria, Bulacan na pumasok ang mag-lola na kunwaring tumitingin ng mga damit na bibilhin. Maya-maya pa, sinenyasan ng lola ang kanyang apo. Tinakpan nya ang bata para walang kapansin na kinuha nito ang isang bag ng tindera sa nasabing tiangee.

Inaangat ng bahagya ng matandang babae ang likod ng kanyang palda, at mabilis na inilagay doon nga apo nya ang ninakaw ng bag. Saglit lang, lumabas na ang mag-lola, at nalaman na lang ng may-ari ng tiangee na si Precy Garces at ninakawang tinderang si Rowena Severino na sila nga ang nagnakaw ng bag nung mapanood nila ang CCTV.

Dapat Panoorin: * Babae, Inipit ang P100 Sukli sa Kilikili, Pasimpleng Sinoli Nang Makita Niya CCTV (Video)

“Nagalit po ako, kasi syempre bata pa po yung inutusan nya.” Sabi ng tindera sa TV Patrol reporter. Ayon naman kay Gng. Garces, ilang beses na din silang nanakawan kaya naisipan nyang maglagay ng CCTV sa kanyang tindahan. At dahil lola na din siya, hindi rin daw siya makapaniwala na tinuturuan pa ng lola ang sarling apo na magnakaw ng gamit.

Samantala, hindi pala ito ang unang beses na nagnakaw ang mag-lola sa mga tiangge sa lugar nila. Ayon sa isang may-ari din ng isang tiangge na si Arab Oding, yung mag-lola na yan ang nagnanakaw din sa kanyang pwesto kamakailan lamang. At dahil ilang beses na silang huli sa CCTV ang kanilang modus operandi, markado na ang matandang babae.

Ayon naman kay Norma de Guzman na kapitana ng Bgy. Poblacion, kung saan nagaganap ang pagnanakaw ng mag-lola, kelangan parusahan ang matanda. Yung bata naman ay posibleng kunin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanyang mga magulang. Sana nga ay mahuli na agad ang lolang magnanakaw na ito.

Comments

comments

No Responses