Panoorin: Lasing na Pulis, Pilit Kinuha ang Driver’s License Kahit Walang Traffic Violation (Video)

Isang lasing na lalaki ang nagpakilalang pulis sa isang driver at pilit kinuha ang kanyang driver’s license kahit wala naman itong mabanggit na traffic violation. Walang nagawa ang kawawang driver kundi ibigay ang kanyang lisensiya. Hindi alam kung saan at kailan naganap ang insidente, pero na-upload sa Facebook ang video noong Sabado, February 4.

“Pare, pag hinuli ka, dapat marunong kang magmakaawa. Patingin ng lisensya mo” Sabi ng lalaki, na halata sa boses na nakainom ito ng alak. Nakasuot ito ng uniform na pang pulis at naka-helmet. Tinanong siya ng driver kung ano ang nilabag nyang traffic rules, pero wala naman itong masabi. Nagalit ang nagpakilalang pulis sa kanyang pagtatanong.

“Wala naman po akong kasalanan, Sir.” Sagot ng driver, sabay tanong sa kasama nya kung ano ang posible nyang pagkakamali. Muling nagalit ang pulis, at pinilit siya na ipakita sa kanya ng kanyang driver’s license. Maririnig na maayos na nakiusap ang driver, at binanggit ng pulis na siya ay taga-Mindanao. Pero tuloy pa rin ang hingi nya sa lisensya.

Maya-maya, tinanong ng driver ang pulis kung saan siya nakadestino, at sinabi nitong sa Pasig daw. Ibinigay ng driver sa pulis ang kanyang driver’s license, at pinatabi sa kanya ang sasakyan para daw sila makapag-usap. Sumakay ang pulis sa motor na may plate number na 4283 at may sticker ng AFP. Kita din na ito ay naka-shorts at tsinelas lang.

Tinanong sila ng pulis kung saan sila umuuwi, at sinabi ng driver na Alabang pa at galing sila sa Pulilan, Bulacan, at doon na natapos ang video. Ayon sa nag-upload ng video na si Jayson Galindez na Elmer ang pangalan ng driver, at lumang lisensya ang ibinigay nito sa pulis. Humihingi ng tulong si Galindez na tulungan sila na iparating sa PNP ang nangyari.

Alam nating lahat na di dapat manghuli ang pulis ng isang driver kung wala siyang masabing traffic violation. Alam din natin na bawal na bawal na uminom sila sa oras ng trabaho, at hindi nakasuot ng kaukulang uniform. Sana po ay maaksyunan ito agad, at kung mapatunayan na isa syang tunay na pulis, dapat lang na matanggal siya sa serbisyo.

Comments

comments