Panoorin: Lasing na Barangay Captain sa Cagayan, Nanampal ng Emcee ng Isang Festival (Video)

Isang lasing na barangay captain ang huling huli sa video na nanampal ng isang emcee ng isang programa sa kanilang lugar. Ang dahilan? Hindi daw nito narinig na tinawag ng emcee ang kanyang pangalan. Panoorin ang video ng naturang pananampal, na ibinalita ng GMA 7’s 24 Oras nitong Sabado lang, May 20. Warning: Ang video ay maselan na tema.

Ayon sa report, ang nananampal ay kinilalang si Kapitan Fred Arthur Agatep ng Lasam, Cagayan, na siya ding presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa nasabing bayan. Hindi binanggit ang pangalan ng emcee. Naganap ang insidente kamakailan habang nagsasalita ang emcee sa stage, sa gitna ng pagdiriwang ng Tinupig Festival.

Sa video, kitang kita na galing sa may bandang likuran ng emcee si Kap.Agatep, nang bigla nyang sampalin ng malakas ang emcee.Halatang nagulat at nasaktan ang emcee. Dinig din ang pagsigaw ng mga tao na nakasaksi sa nasabing insidente. Nagalit daw ang kapitan nang hindi nya narining na tinawag ang kanyang pangalan para bigyan ng token.

Ayon naman sa mga tao, narining nila na binanggit ng nasabing emcee ang pangalan ni Kap. Agatep, pero hindi ito lumapit. Lasing daw ang kapitan, kaya posibleng akala nya hindi siya tinawag. Kita din sa video na pasuray suray ang kapitan habang naglalakad siya sa entablado. Sa ngayon, wala pang pahayag si Kap. Agatep tungkol sa insidente.

Kami dito sa Taho News ay mariing tumutuligsa sa inasal ni Kap. Agatep. Naniniwala kami na wala sino man ang may karapatang manampal o manakit ng tao, lalo na kung siya na nasa mataas at respetadong posisyon. Dahil dito, hinihiling namin na maimbestigahan ang pangyayari, at mabigyan siya ng karampatang parusa sa kanyang ginawa.

Comments

comments