Panoorin: Lalaki, Tinamaan sa Ulo ng Gulong na Tumalsik, Habang Naglalakad sa Kalye (Video)

Isang lalaki ang tinamaan sa ulo ng isang tumalsik na gulong mula sa isang mabilis na sasakyan. Naganap ang aksidente habang siya at ang kanyang anak na babae ay magkasabay na naglalakad sa kalye sa Brazil noong February 7. Ang buong pangyayari ay na-record ng CCTV, na mapapanood nyo sa ibaba. Warning: Ang video ay medyo maselan.

Ayon sa report, ang biktima ay kinilalang si Roberto Carlos Fernandes, 50, at ang kanyang kasamang anak na babae ay si Caroline. Sa video, makikitang tahimik na naglalakad ang mag-amang Bralizian sa isang kalye sa Ipatinga, Minas Gerais, Brazil. Pero ilang saglit, biglang may lumipad na isang malaking gulong mula sa kabilang kalye patungo sa kanila.

Tumama ang nasabing gulong sa ulo ni Fernandes, na tumama pa ang mukha sa semento nang ito ay bumagsak nang patalikod. Kitang kita ni Caroline ang nangyari sa kanyang ama dahil nakitingin siya dito at sila ay nag-uusap. Nabigla ang babae sa bilis ng pangyayari, at napatingin siya sa likuran para alamin kung saan nanggaling ang gulong.

Nilapitan nya ang nakabulagtang ama, at gumulong pabalik sa kalye ang tumalsik na gulong. Lumapit sa kanila ang ibang nakakita sa pangyayari, at isang lalaki ang kumuha sa naka-aksideng gulong at ito ang kanyang itinabi. Huminto ang isang sasakyan sa tapat nila, na ang mga sakay nito ay tila nakita din ang insidente, at hindi ginaalaw ang biktima.

Si Caroline naman ay kitang may tinawagan at nag-text sa kanyang phone. Maya maya pa, hinawakan ang kanyang ama at ito’y kinausap, at inalayan hanggang sa makaupo. Ayon sa report, dumating ang Emergency team ng lugar mga 10 minuto matapos ang insidente, at sinugod umano si Roberto Carlos Fernandes sa Hospital Marcio Cunha.

Hindi na nabanggit kung saan talaga nanggaling ang gulong, pero ayon daw sa ilang saksi, posible itong nanggaling sa isang sasakyan na matulin ang takbo. Sinasabing may hila itong malaking malaking trailer truck na medyo maluwag ang axles, o shaft kung saan ang mga gulong ng isang sasakyan ay umiikot. Maayos na ngayon ang lagay ng biktima.

Comments

comments