Panoorin: Katibayan na Hindi Sinuhulan si Mina Para Tumestigo vs Duterte, Sabi ni Trillanes (Video)

Naglabas si Senator Antonio Trillanes ng isang video ngayong Huwebes, April 7 ng meeting na magpapatunay daw na hindi sinuhulan o tinakot si Guillermina “Mina” Barrido Arcillas (o Grace Arcillas) para maging witness sa International Criminal Court (ICC) laban kay President Rodrigo Duterte. Panooring mabuti ang video sa ibaba at kayo ang humusga.

Sa simula ng nasabing video, tinanong si Mina Barrido kung saan naka base si Rodel Jaime. Sabi nya, sa Manila daw ito naka base a hindi taga Davao City. Si Rodel daw ang isa sa mga koneksyon niya sa Roro, o Roxas-Robredo tandem. Dagdag pa ni Mina, siya daw at ang buo nyang pamilya sa Iloilo ay mga solid supporter ni Mar Roxas.

Binanggit ni Mina na ang tawag nila kay President Duterte ay atik (o sinungaling) kahit noong mayor pa lang ito ng Davao City. Ayon sa kanya, talamak daw ang drug sa Davao City at si Duterte daw ang mismong nasa likod nito. Ito daw ang dahilan kung bakit siya natatawa tuwing naririnig niya si Duterte na sinasabing, “I hate drugs.”

Must See: * ‘Evidence’ Proving That Fr Alejo Sent P25000 to Arcillas to Testify vs Duterte, Trillanes Reacts

“Yung na-witness namin talaga yung iba, hindi totoo. Lalo na yung husband ko, nakita namin sila din behind sa drugs. Yung sa coccaine kasi meron kasi dyan yung sa Station 21 sa Davao sir. Bukod yung sa After Dark na sa kay Mayor (Duterte).” Sabi ni Mina Barrido sa mga kausap niya na isang babae at lalaki na tinawag niyang Attorney.

“Nakapasok kami dun (Station 21) kasama namin sila Cinco. Alam mo nakita namin marami namang party drugs. Nung nalaman namin yung sa MOA, sabi talaga ng husband ko, ‘Hala, nakarating na yung party drugs dun.’ Wala na. nakarating na yung party drugs sa Manila kasi magpre-presidente siya (Duterte).” Paliwanag ni Mina.

Must Read: * ‘Text Messages’ Between Trillanes and Mina, Who Claims Being Paid to Testify vs President Duterte

Binanggit din ni Grace Arcillas ang isang Major o Colonel Claraval, pero di nya daw sigurado kung ito ang may ari ng Station 21 restaurant bar na nasa Magsaysay Ave. Sa huli, nagbigay siya ng detalye kung paano binabagsak ang droga sa Samal island. Nung minsan daw, nandun mismo si Duterte at di nya daw nya makunan ng larawan kasi baka barilin siya.

Comments

comments

No Responses