Panoorin: Hyundai Bridal Car sa Lucban, Quezon, Mabilis na Humarurot, Nakasagasa ng 18 Tao (Video)

Isang Hyundai Accent bridal car sa Lucban, Quezon ang nakasagasa sa 18 tao (may mga ibang reports na nagsasabing 16 lang) nitong Sabado, February 4, 2017, dakong 2:40 ng hapon. Ang malagim na insidente na kitang kita sa CCTV sa San Luis St, Barangay Dyes (10) sa nasabing bayan. Warning: Ang video na mapapanood niyo sa ibaba ay may maselan na eksena.

Makikita sa video ang isang puting Hyundai Accent ang mabilis ang takbo sa nabanggit sa kalye, at tumalsik ang isang babae na una nitong nahagip. Bumagsak ito sa isang tindahan sa kanang bahagi ng kalye, pero ang bridal car ay tuloy pa rin. Nagulat ang mga tao sa binagsakan ng biktima, at nagtakbuhan ang mga iba patungo sa direksyon ng kotse.

Ayon sa paunang report, 18 tao ang malubhang nasaktan sa nasabing aksidente . Agad silang dinala sa MMG hospital, pero nilipat sa Lucena City Doctor’s Hospital at Quezon Memorial Hospital Lucena City. Kinilala ang driver ng Hyundai bridal car na si Roger Peñaflor, na inaresto at nakakulong na sa Lucban Municipal Custodial Detention Center.

Dapat Panoorin: * Bataan Transit Bus, Nakasagasa ng Ina, 2 Batang Tumatawid sa Pedestrian Lane (Video)

Lumabas sa imbestigasyon na papaalis pa lang ng parking lot ng San Luis Parish Church ang bridal car nang maganap ang aksidente. Nagkaroon diumano ng engine malfunction ang nasabing Hyundai Accent kaya bigla itong tumakbo ito ng mabilis at hindi na huminto kahit ano pang tapak ni Peñaflor sa preno, hanggang sa bumangga ito sa isang tindahan.

Bukod sa mga tao, nakabangga din ang Hyundai Accent bridal car ng ilang ari-arian at sasakyan tulad ng tricycle at motor. Hindi din binanggit ang pangalan ng mga biktima, at kung anu-ano ang mga naging eksaktong kalagayan nila. Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis, na sakop ni Lucban Police Chief Insp. Alejandro Onquit.

Credit: Jhet Veluz McClane Facebook

Kami dito sa Taho News ay nakikisimpatiya sa mga naging biktima, at sana gumaling sila agad. Hiling namin ay sana tumulong ang Hyundai Philippines sa imbestigasyon, para malaman kung may problema sa kanilang modelo. Sa mga drivers, lagi din po sana natin i-check mabuti ang sasakyan bago ito gamitin, at panalitihin ang presence of mind.

Comments

comments

No Responses