Panoorin: Holdaper sa Dasmarinas, Cavite, Nagmamakaawa Habang Inaaresto, CHR Umalma (Video)

Isang diumanong holdaper ang arestado sa Cavite ng mga pulis kamakailan lamang. Ang suspect ay dinakip matapos daw nitong planong holdapin ang mga pasahero ng isang pampublikong jeep. Samantala, isang mataas na opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) ang umalma sa paraan ng paghuli sa kanya. Panoorin ang video sa ibaba.

Sa nasabing video, makikita ang isang pampasaherong jeep na nakahinto sa gitna ng kalye sa may, Salitran, Dasmariñas, Cavite. Sa likod nito ay may isang lalaki na nagmamakaawa habang inaaresto ng mga pulis. Dalawa sa kanila ang bumitbit sa suspect at tila ibinaksak sa gilid ng kalye, na ikinagulat ng isang babaeng nakakita.

Hindi masyado malinaw ang sinasabi ng lalaki, pero tila sinasabi nya na mabuti syang tao at wala siyang ginagawang krimen. May hawak siyang parang mga perang papel sa kanyang kanang kamay. Kinuha ito ng isang pulis at inilapag sa kalye. Habang pinoposasan nya ang suspect, patuloy ang iyak nya at pagmamakaawa na wag siyang hulihin.

Umalis na ang jeep, at itinayo ang lalaki at inialis sa kalye para makadaan muli ang na-traffic na mga sasakyan. Maraming tao ang saksi sa insidente, at maririnig ang isang lalaking nagtanong kung anong kaso nya, at may sumagot na ‘hold-up.’ Hinid malinaw kung saan siya dinala pagkatapos, pero nagmamakaawa siya hanggang sa huli.

Samantala, maraming netizens ang nagsasabing nararapat lang ang sinapit ng lalaki sa kamay ng mga pulis. Pero may ilan naman na nagsabing nagtataka daw sila kung bakit maraming pulis ang sumugod samantalang ang suspect ay nag-iisa lang at tila wala namang itong dalang baril o anumang matulis na bagay, at sumuko naman ito ng maayos.

Ang mga ito ay sinang-ayunan naman ni Atty. Jackielou Pera ng CHR-Calabarzon, na nagsabing balak nito ito imbestigahan. Naniniwala daw siya na nilabag ng mga pulis ang karapatang pantao ng suspect, lalo na nung tila ibinalibag daw ito sa gilid ng kalye at posibleng masagasaan. Halata din daw na wala naman itong walang balak lumaban.

Comments

comments