Panoorin: Holdaper ng Jeep sa QC, Patay sa Engkwentro Laban sa Pulis, CHR Umalma (Video)

Isang holdaper ng jeep sa Quezon City ang binaril at napatay ng rumespondeng pulis. Ang nasabing insidente ay naganap dakong 3 am nitong Linggo, March 5. At bagamat nabawi ang mga ninakaw na gamit, umalma ang CHR (Commission on Human Rights) na naging aksyon ng pulis. Panoorin ang buong detalye sa GMA News ’24 Oras’ video sa ibaba.

Ayon sa report, ang nasabing pampasaherong jeep ay byaheng Fairview, at nasa may Eliptical Road na ito nang nagdeklara ng holdap ang suspect. Sabi ng isa sa mga saksi na noo’y pasakay sana sa jeep, tinutukan ng patalim ng holdaper ang isang babaeng pasahero. Inagaw daw nito ang cellphone ng biktima, at mabilis na tumakbo ito papalayo.

Sumigaw umano ang biktima upang humingi ng tulong, at nakita ng mga saksi na may isang lalaking naka-motor na humabol sa suspect. Inabutan ito ang suspect sa may kanto ng East Ave at Eliptical Road, at dito na sila nagka-engkwentro. Nagkataon na ang humabol na lalaki ay isa pala pulis na saktong napadaan sa pinangyarihan ng holdapan.

Dapat Panoorin: * Bus Holdaper, Patay sa Pasaherong Pulis na Naka Civilian, Pinuri ng CHR (Video)

“Noong naabutan ko na siya, sabi ko, ‘Hinto, pulis. E di pa siya huminto. Tumakbo siya nang tumakbo. Nung nandito na kami, uundayan na niya ako ng saksak. Wala na akong magawa, kundi gamitan ko na siya ng pwersa.” Sabi ng pulis kay GMA News reporter Von Aquino. Hindi binanggit ang pangalan ng pulis, at blurred ang mukha niya sa camera.

Patay ang holdaper na may tama ng bala sa ulo. Nang kapkapan ng SOCO (Scene of the Crime Operatives) ang kanyang bangkay, nakita dito ang tatlong cellphone na kanyang ninakaw, kasama ang hinablot nyang cellphone mula sa babaeng pasahero. Hindi na nagpa-interview ang biktima, habang inaalam pa ng pulisya ang identity ng suspect.

Dapat Panoorin: * Holdaper sa Dasmarinas, Cavite, Nagmamakaawa Habang Inaaresto, CHR Umalma (Video)

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang isang taga-CHR tungkol dito. Ayon kay Atty. Laila Deluvio na nakadestino sa QC, tila hindi makatarungan ang pagpatay ng pulis sa holdaper dahil ang suspect ay patalim lang ang dala, at hindi baril. Duda din daw siya kung bakit sa ulo ito binaril at hindi sa kamay, at iginiit na may karapatan ding pantao ang mga kriminal.

Comments

comments

No Responses