Panoorin: Holdaper, Nakangiting Umorder Muna ng Milk Tea Bago Nag-Declare ng Hold-Up (Video)

Isang holdaper ang kitang kita sa CCTV camera ang nagkunwaring customer, at umorder muna ng milk tea bago siya nag-declare ng hold-up. Ang pangyayari ito ay naganap kamakailan lang sa isang branch ng I Love Milk Tea shop sa Quezon City. Panoorin ang video sa ibaba, kung saan mukhang kalmadong kalmado ang salarin na nakangiti pa.

Base sa CCTV video, maririnig ang usapan na sinasabing naka shorts lang ang suspect at patingin-tingin kung may guard na pwedeng pumigil sa masama niyang plano. May nagsabi din na mukhang ang una nyang balak na holdapin ay isang malapit na salon, pero hindi nya daw ito itinuloy dahil sa mga maraming customer sa loob, at baka mahuli siya.

Ayon sa isa sa mga babaeng nagta-trabaho sa shop, umorder sa kanila ng milk tea ang lalaki. Makikita sa video na luminga-linga ang suspect at mamayang konti, kinuha nya ang kanyang baril mula sa kanyang kanang bulsa. Sabi ng babae, natakot daw sila at kanilang mga customer, at walang nagawa kundi ibigay ang kanilang mga gamit sa kanya.

Bagama’t hindi nakita sa video ang mga ninakaw ng suspect, sabi ng ng babae na kabilang dito ang isang iPhone at LG na smartphone. Sa isa pang CCTV video, makikita ang suspect sa labas ng milk tea shop, at nagmamasid sa paligid bago siya pumasok. Makikita din na parang may kausap sya, na sinasabing kasama nya sa nasabing krimen.

Sa ngayon, di pa nahuhuli ang holdaper at kanyang kasamahan, kung meron man. Pero dahil kitang kita naman sa CCTV ang kanyang mukha, inaasahan namin dito sa Taho News na mas madali silang mahuhuli. Hinihikayat din namin ang mga netizens na i-share ang video sa Facebook, para makaiwas na din sila na maging susunod na biktima.

Pinapayuhan din namin ang mga tao na maging mapagmasid kapag sila ay nasa establishments gaya ng restaurants. Alam natin na malaki ang maitutulong ng CCTV sa pagkilala sa mga suspects, pero alam din natin na madalas, walang naka-assign na mag-monitor nito ng live., Sa holdaper naman, “Ang laki nga ng katawan mo, tamad ka naman!”

Comments

comments