Panoorin: German National, Nag Beast Mode sa Parking Kahit Siya ang Mali, Buti Judge ang Saksi (Video)

Isang German national ang nag-beast mode sa isang Pinoy habang nasa parking ng Jollibee sa C. Avelino Street, Brgy. B.F. Homes, Paranaque City, noong Martes, February 14 (Valentine’s Day), dakong 2:15pm, kahit siya naman talaga ang may kasalanan. Mabuti na lang at isang judge ang nakakita ng buong pangyayari. Panoorin ang mga videos sa ibaba.

Sa unang video, makikita na galit na galit ang German national na nakilalang si Georg Mayer sa isang Pilipino na nasa nakaupo sa driver’s seat ng kanyang puting Suzuki Celerio. Hindi maintindihan ang sinsabi ng dayuhan pero tila pinilipit nyang lumabas ang Pinoy, na kinilalang si JJ Handog. Katabi nya si Jessica Ignacio, na siya namang kumukuha ng video ng mga pangayari. Kalmado lang ang Pinoy na pinaliwanag ang side nya.

Maya maya pa, lumapit ang isang babae na naka pink at magalang na kinausap ang beast mode na German national. Sinabi nya na nakita nya ang buong pangyayari, na nauna ang sasakyan ng Pinoy at siya ay sumingit lang. Dagdag pa niya, walang karapatan ang foreigner na ibagsak ang pinto ng Suzuki at piliting lumabas si JJ Handog sa kanyang kotse.

Nakilala ang babaeng naka pink na si Judge Belen Carasig, na nagpost din sa kanyang Facebook ng mga larawan at mga nakita nya. Nang magpakilala siya kay Georg Mayer, biglang kumalma ito ay makikita sa ikalawang video na nagso-sorry siya sa Pinoy na inaway nya. Pero giit ng judge, kailangang ipa-blotter ang mga pangyayari sa pulis.

Dapat Panoorin: * Traffic Enforcer vs Driver sa Bacolod, Nagsuntukan Matapos Maging Pasaway ang Driver (Video)

Sa ikatlong video, makikita na nasa unahan ang pulang Honda, at sinigitan siya galing sa kanan ng isang itim na Nissan Xtrail color Black na may plate number ZEP 994, na minamaneho ni Georg Mayer Ayon kay Jessica Ignacio, nasa right lane sila at hindi naman nya alam na paparada din ng nasabing German national, kaya sinugod sila nito.

German national road rage in Jollibee parking in Paranaque (Part 1)

German national road rage in Jollibee parking in Paranaque (Part 2)

German national road rage in Jollibee parking in Paranaque (Part 3)

Credit: PilipinasDaily.com

Sa ngayon, nakakuliong na si Georg Mayer sa Paranaque Police station sa kasong grave threat na sinampa laban sa kanya nina JJ Handog at Jessica Ignacio. Salamat na lang at nagkataong si Judge Belen Carasig ang naging saksi sa lahat. Moral lesson: Huwag kang mayabang sa kalye, dayuhan ka man o hindi. Kung hindi mo kaya, maglakad ka na lang.

Comments

comments

No Responses