Panoorin: Driver na Nag Counterflow at Nagbalak Pang Tumakas, Huli Agad ng Nakasabay na HPG (Video)

Instant karma! Isang pasaway na driver na kitang kita sa dashcam na nag-counterflow sa San Fernando City La Union diversion road nitong Miyerkules, January 4. Ang hindi nya napansin, nasa unahan lang nya ang sasakyan ng isang Highway Patrol Group (HPG). Kaya bago pa man siya makatakas, hinuli siya agad nito. Panoorin ang video sa ibaba.

“Pasalubong naman ito! Pano ka ngayon?!” Sabi ng babae na nasa loob ng sasakyan na may dashcam, nang makita nya sa paparating na isang van sa nagka-counterflow sa may kanto. Kita din sa camera mabagal ang mga sasakyan dahil sa traffic, na lalong pinabagal nung pasaway na nag-counterflow. Dahil dito, napilitan tuloy huminto ang kasalubong nya.

Ang nakakatuwa, tyempong may HPG silang kasabay. Agad binuksan ng driver ang kanyang ang pinto para sitahin ang nag-counterflow. Nang mapansin ito ng pasaway na driver, bigla nyang pinatakbo nya ang kanyang sasakyan na parang balak pang takasan ang mga pulis. Mabuti na lang, listo ang taga HPG, at hinarang nila ang kanilang sasakyan.

Must Watch: * Brave Female Driver Faces Over 30 Illegal Counterflowing Vehicles (Video)

Kaya bago pa man makatakas ang pasaway na driver, bumaba ang taga HPG at lumapit sa nag-counterflow at hiningan na siya ng driver’s license. Hindi kita sa video ang plate number ng sasakyan ng nahuli, pero dahil hindi basta pulis ang nakatapat nila, tyak na hindi sila nito patatawarin. Maaaring masuspinde ang kanyang lisenya at magbayad ng multa.

Dapat Panoorin: Motorcycle Rider Nag Counterflow sa School Zone, Nabundol ang 2 Batang Estudyante (Video)

“Ok, viral ka ngayon!” Sabi ng lalaki na nasa sasakyan na may dashcam, na halatang tuwang tuwa at tinanong pa ang kasama nyang babae kung naka-record ang buong pangyayari. At kung sakaling di nyo napansin, medyo pang-asar sa pasaway na driver ang background music – ang awit ng 80s rock band na Starship, ‘Nothing’s Gonna Stop Us Now’.

Comments

comments

No Responses